ANO ANG MGA PAINKILLER?

Ang inireresetang mga painkiller ay malalakas na drogang sumasagabal sa pagpapasa ng nervous system (sistema ng
mga nerbiyos) sa mga nerve signals (mga senyales ng nerbiyos) na natatanggap natin bilang sakit. Karamihan rin ng mga painkiller ay nagpapagana sa mga bahagi ng utak na may kinalaman sa kaligayahan. Sa gayon, karagdagan pa sa pagharang sa sakit na nararamadaman, lumilikha sila ng “high.”

Ang pinakamatatapang na inireresetang mga painkiller ay tinatawag na mga opioid, na parang opium1 na mga compound. Ginawa ang mga ito para umepekto sa nervous system (sistema ng nerbiyos) sa katulad na paraan ng mga droga na galing sa opium poppy, tulad ng heroin. Kabilang sa mga pinaka-karaniwang inaabusong mga opioid painkiller ay ang oxycodone, hydrocodone, meperidine, hydromorphone at propoxyphene.

Ang Oxycodone ang may pinakamalaking potensiyal na abusuhin at pinakamalalaking panganib. Kasing-lakas ito ng heroin at naaapektuhan nito ang sistema ng nerbiyos sa parehong paraan. Ang Oxycodone ay ibinebenta sa ilalim ng maraming ngalang-pangkalakal, katulad ng Percodan, Endodan, Roxiprin, Percocet, Endocet, Roxicet at OxyContin. Mayroon din itong anyong tableta.

Ang Hydrocodone ay ginagamit kasama ng ibang mga kemikal at matatagpuan sa mga inireresetang gamot para sa sakit bilang mga tableta, mga kapsula at syrup. Ang mga ngalang-pangkalakal ay kinabibilangan ng Anexsia, Dicodid, Hycodan, Hycomine, Lorcet, Lortab, Norco, Tussionex and Vicodin. Ang mga pagbebenta at paggawa ng drogang ito ay tumaas nang malaki nitong nakaraang mga taon, ganoon din ang labag sa batas na paggamit nito.

Ang Meperidine (ang tatak na pangalan nito ay Demerol) at hydromorphone (Dilaudid) ay matatagpuan bilang mga tableta at ang propoxyphene (Darvon) bilang mga kapsula, ngunit ang tatlong iyon ay nalamang dinudurog at itinuturok, sinisinghot o hinihithit. Ang Darvon, na ipinagbawal sa UK mula noong 2005, ay isa sa sampung pinakakilalang mga drogang napaulat na may kinalaman sa mga kamatayang may kinalaman sa pag-abuso sa droga sa Estados Unidos. Ang Dilaudid, itinuturing na walong beses na mas malakas kaysa sa morphine, ay kalimitang tinatawag na “drug store heroin” (botikang heroin) sa mga lansangan.

“Sa edad na 20, naging adik ako sa isang narkotiko,2 na nagsimula sa isang reseta pagkatapos ng isang operasyon. Sa mga linggong sumunod [pagkatapos ng operasyon], karagdagan sa abusadong pag-inom sa tableta, ang padurog dito ay nagpahintulot sa aking masira ang controlled release mechanism (kontroladong mekanismo ng pagpapakawala ng droga sa sistema ng katawan) at para malunok o masinghot ang droga. Maaari rin itong iturok para makalikha ng isang pakiramdam nakatulad sa pagtira ng heroin. Ang pisikal na paglayo mula sa droga ay hindi kaiba sa paghihirap sa sakit.” — James

  1. 1. opium: kulay-kape at malagkit na katas mula sa opium poppy.
  2. 2. narkotiko: isang drogang nakaaapekto sa central nervous system (pangunahing sistema ng nerbiyos na ang utak at gulugod), na maaaring magdulot ng pagkahilo, kakulangan ng pagtutugma ng galaw ng katawan at kawalan ng malay-tao.


MGA SIKAT NA TAWAG


PAINKILLERS: Generic Name Oxycodone Propoxyphene Hydromorphone Meperidine Hydrocodone Brand Name OxyContin Percodan Percocet Roxiprin Roxicet Endodan Endocet Anexsia Dicodid Hycodan Hycomine Lorcet Lortab Norco Tussionex Vicodin Darvon Dilaudid Demerol Street Name Oxy 80s oxycotton oxycet hillbilly heroin percs perks pain killer vikes hydros pinks footballs pink footballs yellow footballs 65’s Ns juice, dillies drug street heroin demmies pain killer