PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA
Bawat araw sa Estados Unidos, 2,500 kabataan (12 hanggang 17 taong gulang)
ang umaabuso sa inireresetang mga pampaginhawa ng sakit sa unang pagkakataon.
Ang pag-abuso sa inireresetang droga, habang pinakalaganap sa Estados Unidos, ay isang problema sa maraming lugar sa buong mundo kabilang na sa Europa, Timog Africa at Timog Asya. Sa Estados Unidos lamang, mahigit sa 15 milyong tao ang umaabuso sa inireresetang mga droga, higit pa sa pinagsamang bilang na
nag-ulat ng pag-abuso sa cocaine, mga hallucinogen (mga pampaguni-guni),
mga de-langhap at heroin.
Noong 2006 sa Estados Unidos, 2.6 milyong tao ang umabuso sa inireresetang
mga droga sa unang pagkakataon.
pampasigla sarbey noong 2007 sa Estados Unidos na 3.3% sa 12 hanggang 17 taong gulang at 6% sa 17 hanggang 25 taong gulang ang umabuso ng inireresetang mga droga noong nakaraang buwan.
Ang pag-abuso sa inireresetang mga droga ang nagdudulot ng pinakamalaking porsiyento mula sa pagkasobra sa droga. Sa 22,400 kamatayan dahil sa pagkasobra sa dosis ng droga sa Estados Unidos noong 2005, ang mga opioid painkiller ang pinakakaraniwang natatagpuang droga, ang dahilan ng 38.2% sa mga kamatayang ito.
Noong 2005, 4.4 milyong kabataan (12 to 17 taong gulang) sa Estados Unidos ang umamin sa paggamit ng inireresetang mga painkiller, at 2.3 milyon ang gumamit ng isang iniresetang pampasigla tulad ng Ritalin. 2.2 milyon ang umabuso ng walang resetang mga gamot katulad ng cough syrup. Ang humigit-kumulang na edad ng mga gumagamit sa unang pagkakataon ngayon ay 13 hanggang 14 taong gulang.
SANHI NG MGA KAMATAYAN |
||
Inireresetang Mga Droga |
Ginamit Kasama ng Mga Drogang Makukuha sa Kalye: |
39% |
45% | (Amphetamine + Heroin + Methamphetamine + Cocaine) |
Ang mga depressant, mga opioid at mga antidepressant ay responsable sa mas maraming kamatayan dahil sa overdose (pagkasobra ng dosis sa droga) (45%) kaysa sa cocaine, heroin, methamphetamine at amphetamine (39%) na pinagsama-sama. Sa Estados Unidos, ang karamihan sa mga kamatayan ay nangyayari dati sa loobang
mga lungsod sa mga sambahayang African-American, ngunit nalagpasan na ito ngayon ng panlalawigang komunidad ng mga puti. Ang katulad na takbo ay maaaring makita sa mga bilang ng nao-ospital sa pag-abuso ng
mga substansya at agarang hospitalisasyon para sa pagkasobra sa dosis. Sa 1.4 milyon na may-kaugnayan sa drogang pagpasok sa emergency room noong 2005, 598,542 ay may kaugnayan sa pag-abuso sa mga gamot o sa ibang mga droga.
Ayon sa sarbey, halos 50% ng mga kabataan ay naniniwalang ang inireresetang mga gamot ay mas ligtas kaysa sa ilegal na mga drogang makukuha sa kalye—60% hanggang 70% ang nagsasabi na ang mga kabinet ng gamot sa kanilang bahay mismo ang kanilang pinagkukunan ng mga droga.
Ayon sa National Center on Addiction and Substance Abuse (Pambansang Sentro sa Adiksyon at Pag-abuso sa Substansya) sa Columbia University, ang mga kabataang umaabuso ng inireresetang mga droga ay dalawang beses na mas malamang na gumamit ng alkohol, limang beses na mas malamang na gumamit ng marijuana, at labindalawa hanggang dalawampung beses na mas malamang na gumamit ng ilegal na mga drogang makukuha sa kalye tulad ng heroin, Ecstasy at cocaine kaysa sa
mga kabataang hindi umaabuso ng inireresetang mga droga.
Noong 2007, natuklasan ng Drug Enforcement Administration na ang pag-abuso sa painkiller na Fentanyl ay nakapatay ng mahigit sa 1,000 tao noong taong iyon sa Estados Unidos. Ito ay 30 hanggang 50 na ulit na mas malakas kaysa sa heroin.
“Napagtanto kong gumagamit ako ng parami nang paraming Xanax nang palagian. Lumiban ako sa trabaho para makatigil ako sa paggamit nito. Nang wala akong kaalam-alam na adik na ako, nag-‘cold turkey’ ako. Sa loob ng apat na araw at gabi ay naratay ako. Hindi ako natulog o kumain. Nagsuka ako. Nagkaroon ako ng mga guni-guni. Sa ikatlong araw nang walang Xanax ay nagsimulang naging hindi magkakatugma ang kilos ko, nawalan ng balanse at bumabangga sa mga bagay-bagay. Sa ikaapat na araw ako ay sobrang nag-alala na ako noong nagsimula akong magkaroon ng pakiramdam ng pagkikislot.” — Patricia