KETAMINE

Ang Ketamine, inuri na bilang isang “dissociative anesthetic,”1 ay ginagamit sa pulbos o likidong anyo bilang pampamanhid, kadalasang sa mga hayop. Maaari itong iturok, ginagamit sa mga inumin, sinisinghot, o idinadagdag sa mga joint o mga sigarilyo. Ang ketamine ay inilagay sa listahan ng kontroladong
mga substansya sa Estados Unidos noong 1999.

Kabilang sa panandalian at pangmatagalang mga epekto ang napabilis na tibook ng puso at napataas na presyon ng dugo, pagkahilo, pagsusuka, pamamanhid, matinding kalungkutan, amnesia, mga guni-guni, at malamang na nakamamatay na mga problema sa baga. Ang mga gumagamit ng ketamine ay maaari ring unti-unting magkaroon ng matinding paghahangad sa droga. Sa matataas na dosis, nakararanas ang mga gumagamit ng isang epektong tinatawag na “K-Hole,” isang “nasa labas ng katawan” o “muntik mamatay” na karanasan.

Dahil sa hindi konektado at mala-panaginip na estadong nililikha nito, kung saan ang gumagamit ay nahihirapang gumalaw, ang ketamine ay ginamit na bilang pang-“date-rape” na droga.

  1. 1. dissociative anesthetic: isang drogang sumisira sa pakiramdam sa nakikita at tunog na lumilikha ng mga pakiramdam ng paglayo mula sa kapaligiran at sarili.


MGA SIKAT NA TAWAG


BRAND NAMES Ketaset Ketalar Ketalar SV Ketanest Ketanest S STREET NAMES Special K K Super C Cat Valium Jet Super acid Green