INIRERESETANG MGA DROGA: ANG HINDI MO ALAM
Dahil sa kanilang potensiyal na abusuhin at makalulong, maraming inireresetang mga droga ang inuri ng US Drug Enforcement Administration sa parehong kategorya ng opium o cocaine. Kabilang sa mga ito ang Ritalin at Dexedrine
(mga pampasigla), at ang mga painkiller na OxyContin, Demerol at Roxanol.
May panahong maraming ilegal na droga ang ginamit o inireseta ng mga doktor o mga psychiartrist ngunit kalaunan ay ipinagbawal noong lumabas na ang kanilang mapapanganib na epekto ay hindi na maaaring ipagsawalang-bahala.
Mga halimbawa ay heroin, cocaine, LSD, methamphetamine at Ecstasy.
Ang pag-abuso sa inireresetang mga droga ay maaaring mas mapanganib kaysa sa pag-abuso sa mga drogang ilegal na ginawa. Ang matinding lakas ng ilan sa mga sintetikong (gawa ng tao) drogang nakukuha bilang inireresetang mga droga ay lumilikha ng malaking panganib sa overdose (pagkasobra sa dosis ng droga). Totoo ito lalo na’t para sa OxyContin at katulad na mga painkiller, kung saan ang mga kamatayan dahil sa overdose ay higit pa sa dumoble sa loob ng limang taon.
Marami ang hindi nakaiisip na ang pamamahagi o pagbebenta ng inireresetang mga droga (maliban sa galing sa doktor) ay isang uri ng pagbebenta ng droga at labag sa batas tulad ng pagbebenta ng heroin o cocaine, na may malalaking multa at nauuwi sa pagkakakulong. Kapag nauwi sa kamatayan ang o matinding pinsala sa katawan ang pagbebenta ng droga, maaaring maharap sa panghabambuhay na pagkabilanggo ang mga nagbebenta nito.
Mga uri ng inaabusong inireresetang mga droga
Ang inireresetang mga drogang ginagamit para sa libangan ay kinabibilangan ng sumusunod na pangunahing mga uri:
1. Mga Depressant: Karaniwang tinatawag na depressant ng central nervous system (pangunahing sistema ng nerbiyos na ang utak at gulugod), ang mga drogang ito ay nagpapabagal sa paggana ng utak. Kasama dito ang mga sedative (sedatibo, ginagamit para pakalmahin at paantukin ang isang tao)
at mga tranquilizer (pampakalma, ginagamit para makabawas ng tensiyon o pagkabalisa).
2. Mga Opioid at mga deribatiba ng morphine:1 Karaniwang tinatawag na mga painkiller, ang
mga drogang ito ay naglalaman ng opium o mga substansyang katulad ng opium at ginagamit para magpaginhawa ng sakit.
3. Mga stimulant (pampasigla): Isang uri ng mga droga na ginawa para pataasin ang enerhiya at pagkamaliksi ngunit nagpapataas din ng presyon ng dugo, tibok ng puso at pagbilis ng paghinga.
4. Mga antidepressant: Mga psychiatric na droga na pinaniniwalaang lumulutas sa matinding kalungkutan.
- 1. deribatiba: isang kemikal na substansyang binubuo mula sa isang kaugnay na substansya.