ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA DROGA
Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak sa resulta.
Ang kaunti ay nagsisilbing pampasigla (nagpapabilis sa iyo). Ang mas marami ay nagsisilbing sedatibo (pinababagal ka). Ang mas marami pa ay nakalalason at maaaring makamatay.
Ito ay totoo sa kahit anumang droga. Tanging ang daming kinakailangan para makamit ang epekto ang naiiba.
Ngunit maraming droga ang may ibang panganib: ang mga ito ay direktang nakaaapekto sa isipan. Maaaring pasamain ng mga ito ang pag-unawa ng gumagamit sa nangyayari sa kanyang paligid. Bilang resulta, ang mga kilos ng taong iyon ay maaaring maging kakaiba, hindi makatwiran, hindi naaangkop at maaari pang mapanira.
Hinaharangan ng mga droga ang lahat ng mga pandama, ang mga kanais-nais ay pinapalitan ng mga hindi kanais-nais. Kaya, habang nagdudulot ng panandaliang tulong sa pagpapaginhawa ng sakit, tinatanggal din ng mga ito ang kakayahan at kalistuhan at pinalalabo ang pag-iisip.
Ang mga medisina ay mga drogang inilayon para mapabilis, mapabagal o mabago ang isang bagay tungkol sa paano gumagana ang iyong katawan, para subukang mapahusay ang paggana nito. Minsan ay kinakailangan ang mga ito. Ngunit ang mga ito ay mga droga pa rin: kumikilos ang mga ito bilang mga pampasigla o mga sedatibo, at ang sobra ay makamamatay sa iyo. Kaya’t kapag hindi mo gagamitin ang mga medisina tulad ng kung papaano dapat gamitin ang mga ito, maaaring maging kasing-panganib ng ilegal na mga droga ang
mga ito.
Ang tunay na kasagutan ay ang alamin ang mga katotohanan at hindi gumamit ng mga droga sa simula pa lamang.
Gumagamit ng droga ang mga tao dahil may gusto silang baguhin sa buhay nila.
Heto ang ilan sa mga dahilan sa paggamit ng mga droga na ibinigay ng mga kabataan:
- Para makibagay
- Para “makatakas” o makapag-relaks
- Para mapawi ang pagkabagot
- Para maging parang matanda
- Para magrebelde
- Para mag-eksperimento
Akala nila na ang mga droga ay solusyon. Ngunit kalaunan, ang mga droga ang nagiging problema.
Mahirap mang harapin ang mga problema, ang mga kalalabasan ng paggamit ng droga ay palaging mas malala kaysa sa problemang sinusubukang lutasin sa paggamit ng mga ito. Ang tunay na kasagutan ay ang alamin ang mga katotohanan at hindi gumamit ng mga droga sa simula pa lamang.
SIGURADUHING MALAMAN NG IBA ANG MGA KATOTOHANAN
Ang mga pahinang ito ng drugfreeworld.ph ay batay sa mga nilalaman ng ating labintatlong booklet na madaling basahin sa serye ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga.
Libre ang mga booklet na ito at maaaring ma-order bilang isang set o paisa-isa. Puwede mong ibigay ang mga ito sa mga kaibigan, kapamilya at iba pa na dapat makaalam sa mga katotohanang nilalaman ng mga ito.
Papuntahin ang iba sa website na ito.
I-click ito para maka-order ng inyong LIBRENG mga booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga.