ANG MAPANGANIB NA MGA EPEKTO NG LSD
“Nagsimula akong uminom sa edad na 15. Pagkatapos ay nagpatuloy ako sa paggamit ng Ecstasy, speed, cocaine at LSD.
“Natagpuan kong mahirap magpanatili ng trabaho at nalungkot nang matindi at inisip kong kailanman ay hindi ko malalampasan ang pagkahumaling ko sa droga. Dalawang beses akong nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng sadyang pag-inom ng pills nang sobra. Ipinasailalim ako sa mga psychiatrist na nagbigay pa sa akin ng mas maraming droga,
mga antidepressant, at mga pampakalma, na nagpalala lamang ng mga bagay.
“Bilang labasan ng aking mga pakiramdam ay bumaling ako sa pananakit sa sarili ko—sinimulan kong hiwain at sunugin ang sarili ko.” — Justin
Piskal na Mga Epekto
- Napalaking mga balintataw
- Mas mataas o mas mababang temperatura ng katawan
- Pagpapawis o mga pangangatog (pangingilabot)
- Kawalan ng gana sa pagkain
- Hindi makatulog
- Tuyot na bunganga
- Mga panginginig
Pangkaisipang Mga Epekto
- Mga delusyon
- Biswal na mga guni-guni
- Isang artipisyal na pakiramdam ng sobrang tuwa o katiyakan
- Pagkagulo ng diwa ng oras at pagkakakilanlan
- Napahinang pagtingin sa layo o lalim ng mga bagay-bagay
- Napahinang pakiramdam sa oras, nagulong pakiramdam sa laki at hugis ng mga bagay,
mga galaw, mga kulay, mga tunog, pandama at imahe ng katawan ng gumagamit - Masama at nakasisindak na mga kaisipan at mga pakiramdam
- Takot na mawalan ng kontrol
- Mga panic attack (biglaang pagkataranta)
- Mga flashback, o pag-ulit ng LSD trip, madalas nang walang babala matagal pagkatapos gumamit ng LSD
- Napakatinding kalungkutan o kabaliwan
“Pagkatapos gumamit ng acid, iniisip kong direkta kaming bumangga sa isang 18-wheeler at napatay kami. Naririnig ko ang pag-ingit ng mga bakal, pagkatapos ay isang madilim at masamang katahimikan. Takut na takot ako sa puntong ito, talagang akala kong patay na kami...Isang taon akong ayaw pumunta sa anumang sementeryo dahil takut na takot akong makikita ko ang sarili kong libingan.” — Jenny