ANO ANG MARIJUANA?

Ang marijuana ang isa sa mga pinaka-abusadong droga sa mundo. Mayroong palaging lumalaking agwat sa pagitan ng pinaka-modernong siyensiya tungkol sa marijuana at ang mga kathang-isip na nakapalibot dito. Iniisip ng ibang tao na dahil legal ito sa ilang lugar, ligtas siguro ito. Ngunit hindi alam ng katawan ninyo ang kaibahan ng legal na droga mula sa ilegal na droga. Alam lamang nito ang epektong nililikha ng droga sa oras na nagamit mo na ito. Ang layunin ng publikasyong ito ay ang linawin ang ilan sa mga hindi pagkakaintindihan tungkol sa pot.

Ang marijuana ay galing sa halamang Indian hemp, at ang bahaging nagtataglay ng “droga” ay pangunahing natatagpuan sa mga bulaklak (karaniwang tinatawag na “mga ubod”) at mas kaunti sa mga buto, mga dahon, at mga tangkay ng halaman.

Ang marijuana, kapag naibenta, ay isang halo ng natuyot na mga dahon, mga tangkay, mga bulaklak at mga buto ng halamang hemp. Kadalasang ito ay berde, kulay kahoy o gray.

Ang hashish ay kulay balat, kulay tsokolate o itim na resin na pinatuyo at siniksik para maging
mga bara, stick o bola. Kapag hinithit, parehong ang marijuana at hashish ay may partikular na matamis na amoy.

May higit pa sa 400 kemikal sa marijuana at hashish.1 Ang kemikal na nagdudulot ng pagkalango o ng “high” sa mga gumagamit ay tinatawag na THC (maikli para sa tetrahydrocannabinol). Ang THC ay lumilikha ng nakababago sa isipang mga epektong nagbibigay-klasipikasyon sa marijuana bilang isang “droga.”

Ang mga halaman, tulad ng mga hayop, ay may mga katangiang nagbibigay-proteksyon sa mga ito sa ligaw. Ang mga halaman ay maaaring may mga kulay o mga pattern na nagtatago sa mga ito mula sa mga naninila, o maaaring may mga lason o mga toxin ang mga ito na, kapag nakain, ay nagdudulot sa mga hayop na magkasakit o nakakabago ng pangkaisipang kakayahan ng mga ito, nagbibigay-panganib sa mga ito sa ligaw. Ang THC ang mekanismong nakapagbibigay-proteksiyon sa halamang marijuana.

Ang literal na ibig sabihin ng intoxication (pagkalulong) ay “ang malason sa pamamagitan ng pagtanggap ng toxic na substansya sa iyong katawan.” Ang alinmang substansyang nakalalason ay nakapagdudulot ng pagbabago sa katawan at isipan. Makalilikha ito ng pagkalulong o pagkadepende, nagdudulot sa isang taong gumustong gumamit ng drogang iyon kahit na nailalagay nito ang tao sa panganib.

Maaaring narinig ninyo sa isang tao na dahil halaman ang marijuana, “natural” ito kaya hindi ito mapanganib. Ngunit hindi. Ang hemlock, isang nakalalasong halaman, ay “natural” din, pero maaari itong makamatay.

Ang isa pang bagay na dapat mong malaman ay ang pagsunog ng natuyong mga dahon at mga ubod at ang paglanghap ng usok ay tiyak na hindi “natural” at tulad ng paghithit ng sigarilyo, ay maaaring mapanganib sa inyong katawan.

Para naman sa medikal na mga gamit ng marijuana, nagtataglay ito ng isa pang kemikal na tinatawag na CBD (maikli para sa cannibidiol). Ito ang substansyang pinakamadalas na iniuugnay sa paglikha ng medikal na mga benepisyo. Hindi tulad ng THC, ang CBD ay hindi nakapagdudulot ng high.2 Ang medikal na mga benepisyo nito ay pinag-aaralan pa rin, pati na rin mga paraan ng pagpaparami ng halamang marijuana na may mataas na CBD at mababang THC para sa medikal na paggamit dito.

Ang marijuana ay isang droga tulad ng alkohol, cocaine o ecstasy. At tulad ng iba pang mga drogang ito, may mga side effect din ito na maaaring mapanganib.

Paano ito ginagamit?

Ang marijuana ay halo ng tuyong dahon, mga tangkay, mga bulaklak at mga buto ng halamang hemp.  Kadalasang ito ay berde, kulay kahoy o gray.
Ang marijuana ay halo ng tuyong dahon, mga tangkay, mga bulaklak at mga buto ng halamang hemp. Kadalasang ito ay berde, kulay kahoy o gray.
Ang hashish ay kulay balat, kulay tsokolate o itim na resin na pinatuyo at siniksik para maging mga bara, stick o bola.  Kapag hinithit, parehong ang marijuana at hashish ay may partikular na matamis na amoy.
Ang hashish ay kulay balat, kulay tsokolate o itim na resin na pinatuyo at siniksik para maging mga bara, stick o bola. Kapag hinithit, parehong ang marijuana at hashish ay may partikular na matamis na amoy.

Ang marijuana ay maaaring hithitin bilang sigarilyo (joint), pero puwede ring hithitin gamit ang isang dry pipe (pipa) o isang water pipe na kilala sa tawag na “bong. Maaari rin itong ihalo sa pagkain at kinakain o pinapakuluan bilang tsaa. Tinatawag ang mga itong “edibles” at tinatalakay pa nang detalyado sa booklet na ito. Minsan, ang mga gumagamit nito ay nagbubukas ng tabako at tinatanggal ang laman nito, at pinapalitan ito ng pot—tinatawag na “blunt.” Ang mga joint at blunt ay minsang nahahaluan ng ibang mas malalakas na droga, tulad ng crack cocaine o PCP (phencycldine, isang malakas na hallucinogen).

Kapag nilanghap ng isang tao ang usok mula sa isang joint o isang pipa, kadalasang nararamdaman niya ang epekto nito sa loob lamang ng ilang minuto. Ang agarang pakiramdam—mabilis na tibok ng puso, mas mababang antas ng koordinasyon at balanse, at isang “mala-panaginip,” at hindi makatotohanang lagay ng isipan—ay nakakarating sa sukdulan sa loob ng 30 minuto.3 Ang panandaliang mga epektong ito ay kadalasang nawawala sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras, pero puwede silang tumagal, depende sa kung gaano karami ang ginamit ng tao, depende sa kalakasan ng THC at kung mayroon bang ibang drogang naihalo.

Habang lumalanghap ng mas maraming usok ang tipikal na gumagamit nito at pinatatagal ito sa loob nang mas matagal kaysa sa paggamit ng sigarilyo, ang joint ay nakalilikha ng masamang epekto sa baga. Maliban sa hindi magandang pakiramdam na kasama ng masakit na lalamunan at acute bronchitis, natuklasang ang paghithit ng isang joint ay naglalantad sa isang tao sa mga kemikal na nakalilikha ng kanser tulad ng paggamit ng apat o limang sigarilyo.4

Ang pangkaisipang epekto ng paggamit ng marijuana ay ganoon din kasama. Ang mga gumagamit ng marijuana ay mas mahina ang alaala at pangkaisipang kakayahan kaysa sa mga hindi gumagamit.5

Natuklasan ng kamakailang mga pag-aaral sa mga kabataang humihithit ng marijuana ang abnormalidad sa utak na may kinalaman sa emosyon, motibasyon at paggawa ng mga desisyon.6