PANANDALIANG MGA EPEKTO NG ALKOHOL

Photo credit:Stockxpert
Photo credit:
Stockxpert



Photo credit:iStockphoto
Photo credit:
iStockphoto

Depende kung gaano karami ang nainom at ang pisikal na kalagayan ng indibidwal, ang alkohol ay maaaring magdulot ng:

  • Hindi malinaw na pananalita
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Pagtatae
  • Sirang tiyan
  • Mga sakit ng ulo
  • Mga kahirapan sa paghinga
  • Hindi malinaw na paningin at pandinig
  • Napahinang pagpapasya
  • Nabawasang pandama at pagtutugma ng mga kilos
  • Kawalan ng malay
  • Anemia o kakulangan ng dugo (pagkawala ng mga selyula ng pulang dugo)
  • Coma
  • Mga blackout (mga pagkalimot, kung saan hindi maalala ng manginginom ang
    mga pangyayaring naganap habang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak)

Pangmatagalang mga epekto ng alkohol

Ang binge drikning at patuloy na pag-inom ng maraming alkohol ay nauugnay sa maraming suliraning pangkalusugan, kabilang na ang:

  • Hindi sinasadyang mga kapinsalaan tulad ng pagbangga ng sasakyan,
    mga pagkahulog, mga sunog, pagkalunod
  • Sinasadyang mga kapinsalaan katulad ng mga kapinsalaan dahil sa mga baril, karahasang sekswal, karahasan sa tahanan
  • Pagtaas ng mga pinsala sa trabaho at kabawasan ng gawang napakikinabangan
  • Pagtaas ng mga suliraning pampamilya, sirang mga relasyon
  • Pagkalason sa alkohol
  • Mataas na presyon ng dugo, stroke, at ibang mga sakit na kaugnay sa puso
  • Sakit sa atay
  • Pinsala sa selyula ng nerbiyos
  • Mga suliraning sekswal
  • Permanenteng pinsala sa utak
  • Kakulangan sa bitaminang B1, na maaaring humantong sa isang sakit na inilalarawan ng pagkalimot, apatiya at kalituhan
  • Mga ulser
  • Gastritis (pamamaga ng loob ng sikmura)
  • Malnutrisyon
  • Kanser ng bunganga at lalamunan

“Patuloy na nabuo ang adiksyon ko at, bago ko pa nalaman, ako ay naging isang pang-umaga at panghapong manginginom.

“Nagdesisyon akong tumigil na sa pag-inom. Nakahiga akong gising sa buong magdamag, at pagdating ng hapon ng sumunod na araw, bawat buto sa aking katawan ay nananakit. Sa sobrang katarantahan, nanginginig akong nagpuno ng gin sa isang baso, nangangatal nang matindi ang mga kamay ko na natapon ko halos kalahati ng bote. At habang nilalagok ko ito, nararamdaman kong nababawasan ang matinding paghihirap. Sa panahong iyon napagtanto ko sa wakas ang nakapanghihilakbot na katotohanan: sugapa na ako sa alak. Hindi na ako makatigil”
— Faye