OXYCONTIN: ANG “HILLBILLY HEROIN”
Dahil ang epekto nito sa sistema ng nerbiyos ay tulad ng sa heroin o opium, ang ilang mga umaabuso ay gumagamit ng isang tatak ng oxycodone painkiller, OxyContin, bilang isang pampalit o pandagdag sa mga opiate na makukuha sa lansangan tulad ng heroin.
Nagkaroon ng mga de-armas na pagnanakaw sa mga botika kung saan ang magnanakaw ay sapilitiang humingi ng OxyContin lamang, hindi pera. Sa ilang lugar, lalung-lalo na sa Silangang Estados Unidos, ang OxyContin ay ang drogang pinaka-inaalala ng mga awtoridad na nagpapatupad ng batas.
Ang OxyContin, na malawakang kilala bilang “hillbilly heroin” dahil sa pag-abuso dito sa komunidad sa lugar ng bulubunduking Appalachian, ay lumabas bilang isang pangunahing krimeng problema sa Estados Unidos. Sa isang kalipunan ng
mga siyudad, natayang ang pagkalulong sa drogang ito ang nasa likod ng 80% ng
mga krimen.
“Hindi ko naisip na may problema ako sa ‘droga’—bumibili ako ng mga tableta sa botika. Hindi nito naapektuhan ang aking trabaho. Medyo pagod ako sa umaga, ngunit wala nang iba pa. Ang katotohanang ako ay may problema ay talagang lumabas noong uminom ako ng sobra-sobrang dosis na mga 40 tableta at natagpuan ko ang sarili ko sa ospital. Nanatili ako nang 12 linggo sa klinika, pinaglalabanan ang aking pagkasugapa.”— Alex
Mental at Pisyolohikal na Mga Epekto ng Mga Painkiller
- Pagka-tibe
- Pagkaduwal
- Pagsusuka
- Pagkahilo
- Kalituhan
- Pagkalulong
- Kawalan ng malay
- Panghihina ng baga
- Paglaki ng panganib sa atake sa puso
- Coma
- Pagkamatay