MGA MAGULANG

Paano mo kakausapin ang iyong mga anak tungkol sa pag-abuso sa droga nang hindi gumagamit ng pananakot o nang hindi nakararamdam na “nangangaral” ka?

Wala nang mas mahalaga sa iyo bilang isang magulang kaysa sa kabutihan ng iyong anak. Sa pag-alam sa hangganan ng problema sa droga sa ating lipunan, natural na gugustuhin mong maprotektahan ang iyong anak mula sa pagkasirang maaaring maidulot ng mga droga sa kanila sa pisikal, pangkaisipan at emosyonal na paraan. Ngunit kapag kinakausap mo sila tungkol sa mga droga, paano mo malalaman kung nakikinig talaga sila?

Ibigay sa kanila ang katotohanan tungkol sa mga droga at makikinig sila. Walang dudang natuklasan na kapag ang mga kabataan ay binigyan ng katotohanan tungkol sa mga droga at sa mapapanganib na epekto nito, kusa silang nagpapasyang huwag gamitin ang mga ito. Kaya, paano mo sila mabibigyang-edukasyon bago sila makaharap ng isang dealer?

Doon kami puwedeng makatulong.

Ang aming programa ay nagbibigay ng makatotohanang impormasyon at tunay na buhay na mga kuwentong nakararating sa mga kabataan, nagdudulot sa kanilang talagang baguhin ang kanilang pag-iisip tungkol sa paggamit ng mga droga.

Ang impormasyon sa mga LIBRENG materyales ay maaaring makapagligtas ng buhay ng anak mo o ng buhay ng taong kilala mo. Orderin ang mga ito ngayon.

Humingi ng inyong LIBRENG Information Kit ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga >>