SAAN ITO MATATAGPUAN?
Sa kasamaang-palad, ang Ritalin at ang mga kaugnay na drogang may kinalaman sa pagiging galawgaw (hyperactivity) ay matatagpuan halos sa kahit saan. Kapag ikaw ay nasa mataas na paaralan o kolehiyo, malamang kang magkaroon ng malaking suplay na kaabut-abot, may mga “pusher” (mga kapwa mo estudyante) na sabik na gumagawa ng madaling pagkakakitaan mula sa iyo.
Sa ilang paaralan, kasindami ng 20% ng mga mag-aaral ang palagiang gumagamit ng droga. Nakita ng Drug Enforcement Administration na marami sa mga paaralang ito ay mayroong mas marami ng mga drogang ito kaysa sa kalapit na botika.Bakit napakakaraniwan nito? Napakadali para sa isang “kaibigang” kumuha ng ilan sa mga iniresetang gamot para sa kanyang nakababatang kapatid at pagkatapos ay ipagbili ang mga ito sa halagang $5 kada tira. O isang mag-aaral na sabik para sa isang mabilisang tira ay sasabihin sa nars ng paaralan na mayroon siyang “diperensiya sa pag-aaral” at “hindi siya makapagtuon ng pansin sa pag-aaral.” Kukuha siya ng reseta at iniipon niya ang mga pildoras para sa panghinaharap na paggamit, ibinibigay ang mga sobra sa kanyang mga kaibigan.
Habang ipinagbabawal ng batas ang walang paghihigpit na pamumudmod ng mga mga malalakas na pampasiglang ito,1 nananatili ang malungkot na katotohanang ang mga bagay na ito ay malayang nakukuha sa halos kahit saan. Ang Kiddie Cocaine, ang naging tawag dito, ay ipinamimigay na tulad ng kendi.
“Sumisipa ang sintomas ng para bang overdose (pagkasobra sa dosis ng droga). Nagiging napakalikot ng tao, napakasensitibo, napakalisto, na may sobrang mga pag-iiba ng ugali. Nakakabaliw.” — Jake
- 1. pampasigla: isang drogang agarang nagpapataas ng enerhiya at kalistuhan ngunit sinasamahan ng mga pagtaas ng presyon ng dugo, pagbilis ng tibok ng puso at paghinga.