“ISANG BESES KO LANG SUSUBUKAN.”

Babala: Kahit na isang dosis lamang ng heroin ay maaaring makapagpasimula sa isang tao sa kanyang landas tungo sa pagkalulong.

Maraming taong nag-eeksperimento sa heroin ang nag-iisip na, “Susubukan ko ito nang isa o dalawang beses. Puwede naman akong tumigil kahit kailan.” Pero natutuklasan ng mga nagsisimula sa landas na iyon na halos hindi na sila makabuwelta. Isipin ang mga sinasabi ni Sam, isang 15-taong gulang na adik: “Kapag una kang tumira, malamang na masuka ka at mandiri, pero hindi magtatagal ay susubukan mo ulit ito. Kakapit ito sa iyo na parang isang nahuhumaling na mangingibig. Ang pagdaloy ng tira at kung paano ka maghangad pa ng mas marami, na para bang pinagkakaitan ka ng hangin—ganoon ka nito ibibilanggo.”

Ang banta ng adiksyon ay hindi ang pinakamalalang konsekuwensiya ng pag-eeksperimento sa heroin. Si Jim ay 21 taong gulang at sa gabi ay kadalasang umiinom ng beer kasama ang mga kaibigan. Nakapag-eksperimento na siya sa heroin kaya’t noong niyaya siya ng mga kaibigang suminghot ng isang linya, tumanggap siya. Labinlimang minuto pagkatapos na suminghot, nahimatay siya, pagkatapos ay nalubog sa coma na nagtagal nang higit pa sa dalawang buwan. Ngayon, nakagapos siya sa isang wheelchair, hindi makasulat, halos hindi makabasa. Anumang mga pangarap at mga hangaring mayroon siya noon ay wala na.

Kakatwa na si Davide Sorrenti (kanan)—ang litratistang may mga gawang katumbas ng “heroin chic”—ay napaulat na namatay sa edad na 20 mula sa overdose (pagkasobra sa dosis) sa heroin. Photo credit: Courtesy of Francesca Sorrenti
Kakatwa na si Davide Sorrenti (nasa itaas)—ang litratistang may mga gawang katumbas ng “heroin chic”—ay napaulat na namatay sa edad na 20 mula sa overdose (pagkasobra sa dosis) sa heroin.

Photo credit: Courtesy of Francesca Sorrenti

Ang HEROIN “look”

Noong una ay tinakot ng heroin ang mga tao. Mas kamakailan lang, sinubukan ng ilang taong gawing “uso” ang paggamit ng heroin.

Noong nakalipas na dekada, ang “heroin addict look”—blangkong ekspresyon ng mukha, maputlang kulay, kaitiman sa ilalim ng mga mata, lubog na mga pisngi, sobra-sobrang kapayatan—ay itinataguyod sa sikat na mga magazine at grupo ng mga fashionista bilang “uso.”

Tulad ng kung paanong pinasikat ng mga rock star ang LSD noong mga 1960, ganoon din na ang ilang mga fashion designer, mga litratista at mga nagtatrabaho sa advertising ay naka-impluwensiya sa isang buong henerasyon ng mga kabataan, sa pamamagitan ng pagpapakita sa paggamit ng heroin sa mga magazine at
mga music video bilang “uso” at kanais-nais pa.