ANO ANG MGA DE-LANGHAP?
Karamihan sa mga produktong ito ay nakalilikha ng
mga epektong katulad ng mga pampamanhid, na nagpapabagal sa mga gawain ng katawan. Pagkatapos ng unang high at pagkawala ng inhibisyon ay dumarating ang pagkahilo, panghihina at pagkabagabag.
Ang mga kemikal ay mabilis na nakukuha sa pamamagitan ng mga baga tungo sa daluyan ng dugo at mabilis na umaabot sa utak at iba pang mga lamang-loob, minsan ay nagdudulot ng hindi na maisasaayos na pisikal at pangkaisipang pinsala.
Nilalanghap ng mga gumagamit ang mga kemikal na singaw diretso mula sa mga bukas na mga lagayan (pagsinghot) o nilalanghap ang mga usok mula sa mga basahang ibinabad sa mga kemikal (“huffing”). Ang iba ay iwiniwisik nang diretso ang substansya sa loob ng ilong o bunganga, o ibinubuhos ito sa kanilang kolyar, mga manggas o punyos (dulo ng mahabang manggas) at sinisinghot ang mga ito nang maya’t maya. Sa “bagging,” maaaring lumanghap ang gumagamit ng mga usok mula sa mga substansyang nasa loob ng isang supot na papel o plastik na supot. Ang bagging sa isang saradong lugar ay nakapagpapataas nang malaki sa mga posibilidad na hindi makahinga.
Ang “poppers” at “whippets,” na ibinibenta sa mga konsiyerto at mga dance club, ay gawa ng nakalalasong mga kemikal na maaaring permanenteng makasira ng katawan at utak.
- 1. toluene: isang walang kulay na likidong ginagamit na solvent (panunaw) at panggatong.
- 2. nitrous oxide: isang walang kulay, matamis ang amoy na gas na ginagamit bilang pampamahid.
- 3. amyl nitrite: isang mapusyaw na dilaw na likidong ginagamit para magpabukas o magpaluwag ng mga daluyan ng dugo, minsan ay inaabuso bilang de-langhap.