MGA ANTIDEPRESSANT
Isa pang kategorya ng inireresetang droga na minsan ay inaabuso ay ang mga antidepressant. Kabilang sa mga ito ang Prozac, Paxil, Celexa, Zoloft, Effexor at Remeron. Makukuha ang mga ito bilang kapsulang maraming kulay at mga tableta.
Ipinakita ng mga pag-aaral na kabilang sa mga epekto ng mga drogang ito ang:- Hindi makatulog
- Pagka-iritable
- Pagkanerbiyos at pagkabalisa
- Bayolenteng mga kaisipan at mga kilos
- Pagkabalisa
- Mga kaisipan ng pagpapakamatay o pagpapakamatay mismo
- Mga panginginig
- Kasamaan
- Pagpapawis
- Iregular na tibok ng puso
- Pagiging marahas
- Kriminal na pag-uugali
- Kalituhan at hindi magkakaugnay na mga kaisipan
- Paranoia
- Mga guni-guni
- Kabaliwan
- Akathisia (isang masakit na panloob na pagkabalisa; kawalan ng kakayahang pumirmi sa pagkakaupo)
Natuklasan ng isang pag-aaral na 14% ng mga kabataang gumagamit ng antidepressant ay naging mapusok at bayolente pa. Isang 12 taong gulang na batang lalaki ang nagkaroon ng bayolenteng mga bangungot tungkol sa pagpatay sa kanyang mga kamag-aral, at pagkatapos ay pagkabaril sa kanya mismo. Nagpatuloy na parang “napakatotoo” ng panaginip at pagkatapos magising, at ilang araw siyang nakaranas ng mga panaginip ng pagpatay na naging mas totoo at mas totoo. Panandalian siyang naging mapagpatiwakal hanggang sa tinigilan ang paggamit ng droga.
Ang pag-aaral na ito ay nagbigay ng ilan pang ibang mga halimbawa ng matindi at hindi makatwirang pag-uugali mula sa mga indibidwal sa mga drogang ito. Isang lalaki ang bumunggo ng isang pulis gamit ang kanyang sasakyan para lamang maagaw niya ang baril ng pulis at mabaril ang sarili niya. Ang isa naman ay nilunod ang kanyang sarili at ang kanyang dalawang maliit na anak sa isang bathtub, at ang isang batang lalaki ang bumatuta sa isang malapit na kaibigan nang walang malinaw na kadahilanan. Wala kahit sinuman ang may kasaysayan ng karahasan.
Kabilang sa mga sintomas ng withdrawal ng mga antidepressant ay ang mga kaisipan ng pagpapatiwakal, pananalakay, pagkabalisa, kapighatian, mga pag-iyak, insomnia, pagkahilo, pagsusuka, mga sakit ng ulo, panginginig, at mga pakiramdam ng biglang pagkakuryente sa utak.