ANG RITALIN AY HUMAHANTONG SA PAGGAMIT NG IBA PANG DROGA
Natuklasan ng isang pag-aaral na sinusuportahan ng National Institute on Drug Abuse (Pambansang Instituto sa Pag-abuso sa Droga) na ang mga gumagamit ng Ritalin at iba pang katulad na droga ay “nagpakita na pinakamataas na porsiyento ng pag-abuso sa cocaine.”
Dahil paglaon, sa tagal ng paggamit ay hindi na ito tumatalab, maaaring hatakin ng Ritalin ang mga gumagamit nito tungo sa mas malalakas na droga para makamit ang parehong “high”. Kapag nagsisimula nang mawala ang mga epekto, maaaring bumaling sa mas malalakas na droga ang isang tao para mawala ang
mga hindi kanais-nais na kondisyong nagtulak sa kanyang gumamit ng droga sa una.
Ang Ritalin mismo ay hindi humahatak sa tao patungo sa ibang droga: gumagamit ng mga droga ang mga tao para mawalan sila ng hindi kanais-nais na
mga sitwasyon o pakiramdam. Tinatabunan ng droga ang problema nang ilang panahon (habang “high”ang gumagamit). Kapag lumipas ang “pagka-high”, ang problema, ang hindi kanais-nais na kondisyon o sitwasyon ay bumabalik nang mas matindi kaysa nauna. Sa ganoong pagkakataon, maaaring bumaling ang gumagamit sa mas malalakas na droga dahil hindi na “gumagana” ang Ritalin.”
Isang pag-aaral ng 500 mag-aaral sa loob ng 25 taon ang nakatuklas na iyong
mga gumagamit ng Ritalin at mga kaugnay na droga ay may mas malaking posibilidad sa paggamit ng cocaine at ibang mga pampasigla sa hinaharap na buhay.
Ayon sa isang pag-aaral noong 2005, ang mga kabataang umaabuso sa mga inireresetang droga ay 12 beses na mas malamang na gumamit ng heroin, 15 beses na mas malamang na gumamit ng Ecstasy at 21 beses na mas malamang na gumamit ng cocaine, kumpara sa mga kabataang hindi umaabuso ng ganoong mga droga.
KARANIWANG MGA KATWIRAN (Huwag magpapaloko):
Maraming mga katwiran sa paggamit sa matapang na drogang ito. Kilalanin ang mga ito para sa kung ano sila—Mga Kasinungalingan!
- Ginagamit ito ng lahat.
- Para lang ito sa pag-aaral.
- Ginagamit ito ng kapatid ko para sa isang diperensiya sa pag-aaral, hindi naman siguro ito ganoon kasama.
- Hindi ito nakaka-adik.
- Makokontrol mo ito. Hindi mo ito kailangang gamitin uli kung ayaw mo.
Huwag mong hayaan ang iba—kabilang na ang mga kaibigan mo—na akayin ka sa bitag na ito.