PAKIKIPAGSAYAW SA KAMATAYAN?
Ang Ecstasy ay ilegal. Iklinasipika ito ng Drug Enforcement Administration bilang isang Schedule I na droga, isang paglalarawang inilalaan para sa mapapanganib na substansya at walang alam na gamot para dito. Ang ibang Schedule I na droga ay kinabibilangan ng heroin at LSD. Ang parusa sa pagmamay-ari, pagdadala at paggawa ng Ecstasy ay maaaring kabilangan ng mga sentensiya sa kulungan na apat na taon hanggang habambuhay, at multa mula sa $250,000 hanggang $4 milyon, depende sa dami ng drogang nasa iyong pagmamay-ari.
Sa kasamaang palad, ang Ecstasy ay isa sa mga sikat na mga droga ng
mga kabataan ngayon. Tinataya ng UN Office on Drugs and Crime (Tanggapan ng Nagkakaisang Mga Bansa para sa Mga Droga at Krimen) na halos 9 milyong tao ang gumagamit ng Ecstasy sa buong mundo. Ang karamihan sa gumagamit nito ay
mga kabinataan at kadalagahan at ang mga mas nakababatang mayor-de-edad.
Kapag ihinalo sa alak, ang Ecstasy ay talagang mapanganib at sa katotohanan ay maaari itong nakakamamatay. Napakalawak ng panganib ng “designer drug” na ito na bumulusok paitaas nang higit 1200% ang naitalang insidente ng nadadala sa emergency room simula noong naging paboritong“club drug” ang Ecstasy sa lahat ng pandamagang “rave” party at mga dance club.
Gusto mo ba talagang mag-party?
Si Nikki ay isa sa mga mahihilig pumunta sa mga rave party. Sa kagustuhan niyang takasan ang kanyang mga problema at maging masaya, nagplano siyang mag-party nang magdamag kasama ang ilang kaibigan. Ang isa sa kanila ay may dalang bote ng likidong Ecstasy sa kanyang kotse, kaya nagpasya silang lahat na uminom nang kaunti. Ilang saglit lang ay naramdaman na nila ang epekto nito. Nagsayaw nang nagsayaw nang nagsayaw si Nikki, itinutulak ang kanyang sarili higit sa kanyang karaniwang limitasyon. Tulad ng sinabi ng isa sa kanyang mga kaibigan sa isang ulat-polisya, “Walang nararamdamang kahit anuman si Nikki.”
Kinabukasan, patay na si Nikki. Ang dahilan ng kamatayan: pagkalason dahil sa droga (Ecstasy).
Iniisip mo, “Pero hindi ito mangyayari sa akin.” Maaaring hindi, pero gusto mo ba talagang subukan?
“Sa isang rave party, nakita ko ang isang lalaking uminom nang maraming Ecstasy na ilang oras na paulit-ulit na nagsasabi ng “Dalandan ako, huwag n’yo akong balatan, dalandan ako, huwag n’yo akong balatan.’ Akala naman ng isang lalaki na siya ay isang langaw at ayaw niyang tigilan ang pag-untog sa ulo niya sa isang bintana. —Liz