ISANG NAPAKADULAS NA PAGDAUSDOS
Ang ilang bata ay naninigarilyo at umiinom habang napakabata pa. Sa pagtatapos nila mula sa mataas na paaralan, halos 40% ng lahat ng mga binata at dalaga ay nakasubok na ng marijuana. Ang ilan ay lilipat na sa mas nakalululong na
mga substansya.
Hindi natin puwedeng isiping lahat ng mga batang humihithit ng marijuana ngayon ay magiging mga adik ng heroin kinabukasan. Ngunit naroon ang panganib. At ipinakikita ng matagalang pag-aaral ng mga estudyante ng mataas na paaralan na na ilang kabataan ang gumagamit ng ibang droga nang hindi muna sumusubok na gumamit ng marijuana. Sa oras na hindi na makuha ng isang tao ang unang “rush” na hinahanap-hanap niya, sisimulan niyang damihan ang paggamit ng droga o humanap ng mas malakas.
Harapin natin ang katotohanan
Parami nang parami ang mga kabataang nakakatagpo ng ilegal na droga.Natuklasan ng National Survey on Drug Use and Health (Pambansang Sarbey sa Paggamit ng Droga at Kalusugan) noong 2007 na higit pa sa 9.5% ng
mga kabataang edad 12-17 anyos sa Estados Unidos ay kasalukuyang gumagamit ng ilegal na droga. Noong 2007. iniulat ng National Center on Addiction and Substance Abuse sa Columbia University (Pambansang Sentro sa Adiksyon at Pag-abuso sa Mga Substansya) na ang pang-araw-araw na paggamit ng marijuana sa
mga estudyanteng pang-kolehiyo ay dumoble, at ang paggamit ng cocaine at heroin ay tumataas rin.
Ayon sa UN Office on Drugs and Crime (Opisina ng Nagkakaisang Mga Bansa para sa Mga Droga at
Mga Krimen), noong 2008, isang tinatayang 16 milyong tao ang gumamit ng mga opiate—opium, morphine, heroin at artipisyal na mga opiate.
ANG BAGONG MUKHA NG HEROIN
Ang imahe ng isang matamlay at batang adik sa heroin at nakabulagta sa isang marumi at madilim na eskinita ay luma na. Ngayon, ang bagong adik ay maaaring 12 taong gulang, naglalaro ng mga video game at ikinasisiya ang musika ng kanyang henerasyon. Puwedeng mukha siyang matalino, uso at walang kahit ano sa mga karaniwang bakas ng paggamit ng heroin, tulad ng mga marka ng karayom sa kanyang mga braso.
Dahil matatagpuan ito sa iba’t ibang anyo na madaling magamit at mas abot-kaya, ang heroin ngayon ay mas nakaaakit pa kaysa dati. Sa pagitan ng taong 1995 at 2002, ang bilang ng mga binata’t dalaga sa Amerika, edad 12 hanggang 17, na gumamit ng heroin sa isang punto man sa buhay nila ay tumaas ng 300%.
Ang isang taong maaaring magdalawang-isip tungkol sa paglalapat ng karayom sa kanyang braso ay maaaring mas handang humithit o lumanghap ng parehong droga. Ngunit hindi talaga makatotohanan ang ipinapangako nito at maaaring bigyan ka nito ng ideya na mas kaunti ang panganib. Ang katotohanan ay ang heroin sa lahat ng anyo nito ay mapanganib at nakaka-adik.