MGA BATA: ANG PINAKA-INOSENTENG BIKTIMA NG COCAINE

Madalas na naririnig ang pahayag na, “Oo, nagda-drugs ako, pero sa akin na iyon!” Gayunpaman, ang paggamit ng droga ay palaging may inosenteng mga biktima, mula sa mga taong nagiging biktima ng mga adik na desperadong nagnanais na hanapan ng paraan na pondohan ang kanilang nakagawian nang paggamit ng droga, hanggang sa mga namamatay sa mga aksidente na idinudulot ng mga nagmamanehong nasa ilalim ng impluwensiya ng droga.

Ang pinakamatrahedyang mga biktima ng cocaine ay ang
mga sanggol na ipinanganganak ng mga inang gumagamit ng drogang ito habang nagbubuntis sila. Sa Estados Unidos lamang, libu-libong mga sanggol na nalantad sa cocaine ay ipinapanganak bawat taon. Ang mga iyon na hindi naman nalulong ay kadalasang nagdurusa mula sa iba’t ibang klase ng pisikal na problema na maaaring kinabibilangan ng napaagang kapanganakan, mababang timbang sa kapanganakan, napigilang paglaki, mga depekto sa kapanganakan at pinsala sa utak at nervous system.

Ang mga sanggol na mabababa ang timbang sa kapanganakan ay mas malamang na mamatay sa kanilang unang buwan ng buhay kung ikukumpara sa mga sanggol na may normal na timbang, at may kinakaharap silang mas mataas na antas ng panghabambuhay na pinsala tulad ng paghina ng isipan at pinsala sa utak.

Ang epekto sa lipunan ng pantaong trahedyang ito ay kailangan pang masukat nang husto.