SINO KAMI

Ang Foundation for a Drug-Free World ay isang korporasyong hindi kumikita at para sa pampublikong benepisyo na nagbibigay-lakas sa mga kabataan at mga nakatatanda gamit ang makatotohanang impormasyon tungkol sa mga droga para makagawa sila ng impormadong mga desisyon at mamuhay nang malaya sa droga.

Walang tao, lalo na isang kabataan, ang gustong mabigyan ng leksiyon tungkol sa kung ano ang puwede o hindi niya puwedeng gawin. Sa gayon, ibinibigay namin ang mga katotohanang nagbibigay-kapangyarihan sa kabataang pumiling hindi gumamit ng mga droga sa una pa lamang. Karagdagan pa, ang aming kampanyang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga ay binubuo ng mga gawaing masasalihan nila na nagpapasikat sa pamumuhay na malaya sa droga. Ang mga gawaing ito ay simple, epektibo at maaaring kabilangan ng mga tao, anuman ang kanilang edad.

Sa pamamagitan ng pandaigdigang network ng mga volunteer, 50 milyong booklet para sa pag-agap sa droga ang naipamahagi na, libu-libong mga event para sa kamalayan sa droga ang naisagawa sa mga 180 bansa at naipalabas na ang mga anunsiyong pampublikong serbisyo ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa higit pa sa 500 istasyon ng telebisyon. Ang mga materyales at mga gawaing ito ay nakatulong sa mga tao sa buong mundo na matuto tungkol sa nakasisirang mga side effect ng mga droga at sa gayon ay makagawa mismo ng desisyong hindi gamitin ang mga ito.

Ibinibigay ng Foundation ang impormasyong kinakailangan ninyo para makapagpasimula ng gawaing pang-edukasyon at pang-agap ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa inyong lugar.

Alamin ang tungkol sa ating LIBRENG Information Kit at Educator’s Package >>