ANG KASAYSAYAN NG METHAMPHETAMINE

Ang mga pilotong nag-kamikaze ay binigyan ng methamphetamine bago nila isagawa ang kanilang mga misyong pagpapatiwakal.
Ang mga pilotong nag-kamikaze ay binigyan ng methamphetamine bago nila isagawa ang kanilang mga misyong pagpapatiwakal.


Ang methamphetamine ay hindi isang bagong droga, kahit na naging mas makapangyarihan ito sa kamakailang mga taon dahil umunlad ang mga teknik sa paggawa nito.

Unang ginagawa ang amphetamine noong 1887 sa Alemanya at ang methamphetamine, mas malakas at mas madaling gawin, ay pinagbuti sa Japan noong 1919. Ang mala-kristal na pulbos ay natutunaw sa tubig, ginagawa itong isang perpekto para sa pag-iiniksyon.

Nauwi sa malawakang paggamit ang methamphetamine noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan ginagamit ito ng magkabilang panig para panatilihing gising ang mga tropa. Matataas na dosis ang ibinigay sa mga pilotong Hapones na nag-kamikaze bago nila isagawa ang kanilang mga misyon ng pagpapatiwakal. At pagkatapos ng digmaan, ang pang-aabuso sa methamphetamine sa pamamagitan ng pagturok ay naging mala-epidemya kung saan ang mga gamit na iniimbak para sa militar na paggamit ay naging madaling makuha ng
mga Hapones na publiko.

Noong mga 1950, inireseta ang methamphetamine bilang isang pantulong sa pagdidiyeta at para malabanan ang matinding kalungkutan. Madaling makuha, ginamit ito bilang isang hindi medikal na pampasigla ng mga estudyante sa kolehiyo, mga drayber ng trak at mga atleta at ang pag-abuso sa droga ay kumalat.

Ang kagawiang ito ay nagbago nang malaki noong mga 1960s kasabay ng pagdali ng pagkuha sa itinuturok na methamphetamine, na nagpalala sa pang-aabuso.

Kaya, noong 1970, ginawa ng pamahalaan ng Estados Unidos itong ilegal para sa karamihan ng paggamit. Pagkatapos noon, kinontrol ng mga Amerkianong gang na nagmomotorsiklo ang karamihan ng paggawa at distribusyon ng droga. Karamihan ng mga gumagamit noong panahong iyon ay nakatira sa mga rural na komunidad at hindi kaya ang mas mahal na cocaine.

Noong mga 1990, nagtayo ng malalaking laboratoryo ang mga Mehikanong organisasyong nangangalakal ng droga. Habang ang malalaking laboratoryong ito ay kayang gumawa ng 50 libra ng droga sa isang katapusan lang ng isang linggo, ang mas maliliit na laboratoryo ay nagsulputan sa mga kusina at mga apartment, kung saan nakuha ng droga ang isa sa mga pangalan nito, na ang “stovetop.” Mula roon ito ay kumalat ito sa buong Estados Unidos at sa Europa, hanggang sa Republika ng Czech. Ngayon, karamihan sa drogang makukuha sa Asya ay ginagawa sa Thailand, Myanmar at Tsina.