MGA TUNAY NA BUHAY NA KUWENTO: TUNGKOL SA PAG-ABUSO SA DROGA

Ang pinakamahusay na paraan para maiparating ang katotohanan tungkol sa mga droga ay sa pamamagitan ng mga salita ng mga taong “nanggaling na roon.” Sa pamamagitan ng pagkukuwento nila, maipapasa nila kung ano ang natutunan nila para maiwasan ng ibang tao ang mapunta sa parehong landas.

Ibahagi ang impormasyong ito sa inyong mga kaibigan. Nagliligtas ng mga buhay ang edukasyon tungkol sa droga.

“Ang layunin ko sa buhay ay hindi ang mabuhay... ang layunin ko sa buhay ay ang ma-high. Nahuhulog ako pababa patungo sa punto ng walang hanggan. Sa paglipas ng mga taon, bumaling ako sa cocaine, marijuana at alkohol sa maling paniniwalang hahayaan nito akong makatakas mula sa aking mga problema. Pinalala lamang nito ang mga bagay-bagay. Nasa akin ang lahat, magandang trabaho, pera, nagmamahal na pamilya, gayunpaman ay kulang na kulang ang pakiramdam ko. Na para bang wala akong pag-aari. Sa higit na dalawampung taon ng paggamit, palagi kong sinasabi sa aking sarili, titigil na ako nang tuluyan pagkatapos gumamit sa huling pagkakataon. Kahit kailan hindi ito nangyari. May mga sandali pa na inisip kong sumuko na sa buhay.”John

“Nagsimula ito sa weed, pagkatapos ay mga pildoras (Ecstasy) at acid, gumagawa ng mga cocktail ng lahat ng klase ng mga droga, at hinahayaan ko pang ma-overdose (masobrahan sa dosis ng droga) ang sarili ko para mapatagal pa ang mga epekto. Talagang maramihan ang gamit ko ng mga kemikal na ito araw-araw, hanggang dalawang taon pa, hanggang sa isang gabi ay nagka-bad trip ako at nagkaroon ako ng toxic psychosis. Nagdasal ako’t umiyak para mawala ang pakiramdam na ito, nakarinig ako ng mga boses, nangangatog at hindi makaalis ng bahay sa loob ng anim na buwan. Lumayo ako sa mga tao at akala ko pinapanood ako ng lahat ng tao. Hindi ako makapaglakad sa
mga pampublikong lugar. Diyos ko po! Ni hindi man lamang ako makapagmaneho.

“Nauwi ako sa pagiging walang tirahan, nabubuhay at nakatira sa isang kartong kahon, namamalimos at naghihikaos na humanap ng mga paraan para makuha ang susunod kong makakain.

“Tinanong ko ang sarili ko kung ito ba ang pinakasukdulan ng kababaan, at sa tingin ko ay ganoon nga. Habang inoobserbahan ang mga taong walang tirahan, nagpasya akong tama na. Puno na ako. Oo, gusto ko ng droga, pero naisip kong mas gugustuhin ko ang buhay.”Ben

 

Umorder ng inyong
LIBRENG Drug Information Kit