PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA

LSD ang pinakamapanganib na pampaguni-guning (nakakabago ng isipang) droga. Ang LSD ay 100 beses na mas malakas kaysa sa mga kabuteng nakapagbibigay ng guni-guni.
LSD ang pinakamapanganib na pampaguni-guning (nakakabago ng isipang) droga. Ang LSD ay 100 beses na mas malakas kaysa sa mga kabuteng nakapagbibigay ng guni-guni.

Sa Europa, kasindami ng 4.2% ng mga edad 15 hanggang 24 ay gumamit ng LSD kahit isang beses man lamang. Noong sinarbey, ang porsiyento ng mga tao sa edad na ito na gumamit ng LSD noong nakalipas na taon ay lumagpas sa 1% sa pitong bansa (Bulgaria, Republikang Czech, Estonia, Italia, Latvia, Hungary at Poland).

Sa Amerika, mula pa noong 1975, ang mga mananaliksik na pinopondohan ng National Institute on Drug Abuse (Pambansang Instituto sa Pag-abuso ng Droga) ay taunang nagsarbey ng halos 17,000 estudyanteng nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan sa buong bansa para makatukoy ng mga kalakaran sa paggamit ng droga at para masukat ang mga ugali at paniniwala ng mga estudyante tungkol sa pag-abuso ng droga. Sa pagitan ng 1975 at 1997, ang pinakamababang panahon ng paggamit ng LSD ay iniulat ng klase ng 1986, kung kailan 7.2% ng mga estudyante sa huling taon ng mataas na paaralan ay nag-ulat na gumamit sila ng LSD isang beses man lamang sa buhay nila.

Ang porsiyento ng mga estudyanteng ito na nag-ulat ng paggamit ng LSD isang beses man lamang isang taon ang nakaraan mula noon ay halos dumoble mula sa mababang 4.4% noong 1985 at naging 8.4% noong 1997. Noong 1997, 13.6% ng mga estudyanteng nasa huling taon ng mataas na paaralan ay nag-eksperimento sa LSD isang beses man lamang sa buhay nila.

Isang pag-aaral na inilabas noong Enero ng 2008 ay nakatuklas na mga 3.1 milyong tao sa Estados Unidos na edad 12 hanggang 25 ang nagsabing gumamit sila ng LSD.

Ang LSD ay 4000 beses mas matapang kaysa sa mescalina.
Ang LSD ay 4000 beses mas matapang kaysa sa mescalina.

“Nagsimula akong tumambay sa mga strip club, mga casino at naging burara sa sex, sunud-sunod na mga bahay-aliwan ang binisita at hindi naglaon ay naipakilala sa iba pang droga.

“Naubos ko na ang lahat ng mana ko at kinailangan kong lumipat sa isang crack-house, kung saan isang taon akong namalagi at nanonood ng mga taong namamatay, nawala sa akin ang negosyo ko at naging magnanakaw ako.

“Inaresto ako noong Nobyembre ng 2003 para sa pagtatangkang pangha-hijack at pagkatapos ay nakulong.

“Nasaktan ko at nawala sa akin ang lahat ng nagmamahal sa akin at itinakwil ako.

“Nawalan ako ng tahanan at tumira sa kalye at natutulog sa isang bahay na gawa sa karton sa tabi ng istasyon [ng tren], namamalimos at naghihirap na makahanap ng mga paraan para magkaroon ng susunod na makakain.” — Fred