ANO ANG LSD?

Ang LSD ay isa sa mga pinakamalakas at nakakabago ng ugaling kemikal. Ginagawa ito mula sa lysergic acid, na matatagpuan sa amag na tinagawag na ergot na tumutubo sa rye at sa iba pang mga butil.

Ginagawa ito sa kristal na anyo sa ilegal na mga laboratoryo. Ang mga kristal na ito ay ginagawang likido para sa distribusyon. Wala itong amoy, walang kulay at may bahagyang mapait na lasa.

Kilala bilang “acid” at sa marami pang ibang pangalan, ang LSD ay ibinebenta sa kalye sa maliliit na mga tabletas (“microdots”), mga kapsula o mga parisukat na gelatin (“window panes”). Minsan ay idinaragdag ito sa absorbent na papel, na siya namang hinahati sa maliliit na
mga parisukat na napapalamutian ng mga disenyo o mga cartoon character (“loony toons”). Paminsan-minsan ay ibinebenta ito sa likido nitong anyo. Ngunit anuman ang anyo nito, dinadala ng LSD ang gumagamit sa parehong lugar—isang malalang diskoneksiyon mula sa realidad.

Tinatawag ng mga gumagamit ng LSD ang karanasan sa LSD na isang “trip,” kadalasang nagtatagal nang 12 oras o higit pa. Kapag hindi naging maganda ang takbo ng mga bagay-bagay, na kadalasang nangyayari, tinatawag itong “bad trip,” isa pang pangalan para sa isang buhay-impiyerno.