ANO ANG ALKOHOL?
Inuuri ito bilang isang depressant, ibig sabihin ay pinababagal nito ang mga gawain ng katawan—nagreresulta sa hindi malinaw na pagsasalita, hindi matatag na paggalaw, magulong mga pakiramdam at kawalan ng kakayahang kumilos nang mabilis.
Sa kung paano nito naapektuhan ang isipan, pinakamahusay itong maintindihan bilang isang drogang nakababawas sa kakayahan ng taong mag-isip nang makatwiran at sinisira ang kanyang pagpapasya.
Bagaman nauri ito bilang isang depressant, ang dami ng alkohol na iniinom ang nakatutukoy sa uri ng epekto. Karamihan ng mga tao ay umiinom para sa pampasiglang epekto nito, katulad ng beer o baso ng alak na iniinom para
“mapa-relaks.” Subalit kapag ang isang tao ay uminom ng higit pa makakaya ng katawan, mararanasan nila pagkatapos ang depressant na epekto ng alkohol. Magsisimula silang makaramdam na “tanga” sila o nawawalan ng koordinasyon o kontrol.
Ang sobrang alkohol ay nagiging sanhi ng mas matinding depressant na mga epekto (kawalan ng kakayahang makaramdam ng sakit, pagkalason kung saan isinusuka ng katawan ang lason, at sa huli ay pagkawala ng malay-tao, o, mas matindi pa, koma o kamatayan mula sa matinding pagkalason mula sa sobrang pag-inom). Ang mga reaksiyong ito ay batay sa kung gaano kadami ang nainom at kung gaano kabilis.
Mayroong iba’t ibang uri ng alkohol. Ang ethyl alcohol (ethanol), ang tanging alkohol na ginagamit sa mga inumin, ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapaasim ng mga butil at mga prutas. Ang pagbuburo ay isang kemikal na proseso kung saan ang pampaalsa ay umaaksiyon sa ilang
mga sangkap sa pagkain, na lumilikha ng alkohol.
Ang laman ng alkohol
Ang mga binurong mga inumin, katulad ng beer at alak, ay nagtataglay ng mula 2% alkohol hanggang 20 alkohol. Ang mga nadistilang inumin, o alak, ay naglalaman mula 40% hanggang 50% o higit pang alkohol. Ang karaniwang lamang alkohol ng bawat isa ay: