KABATAAN: ANG PINAKA-INOSENTENG MGA BIKTIMA NG
CRACK COCAINE


Ang pinaka-inosenteng mga biktima ng crack cocaine ay ang mga sanggol na ipinanganganak ng mga inang gumagamit ng drogang ito habang nagbubuntis sila. Ang The March of Dimes, isang hindi pangkalakal na organisasyon para sa pagbubuntis at kalusugan ng sanggol ay nag-uulat na ang paggamit ng cocaine sa pulbos nitong anyo o sa crack na anyo nito sa panahon ng pagdadalang-tao ay maaaring makaapekto sa isang babae at sa kanyang hindi pa naisisilang na sanggol sa maraming paraan. Sa maagang yugto ng pagdadalang-tao, maaari nitong mapalaki ang panganib na makunan. Maaari rin itong magdulot sa isang hindi pa naipapanganak na sanggol na magkaroon ng stroke, permanenteng pinsala sa utak o atake sa puso.

Iniulat ng National Institute for Drug Abuse (Pambansang Instituto para sa Pag-abuso ng Droga) na ang pagkakalantad sa crack cocaine sa panahon ng pagdadalang-tao ay maaaring humantong sa malalaking problema sa paglaon sa ilang mga bata.

“Naipakilala ako sa paghithit ng crack cocaine, at doon tumigil ang lahat. Lumalabas ako noon kasama ang mga taong itinuturing kong talagang malalapit na kaibigan. Alam mo, totoo ang sinasabi nila tungkol sa crack: sa unang tira mo nito, hindi mo na makukuha ang ganoong high. . . .Lubusan akong sinira nito. Kinontrol ako nito nang lubusan.

“Sinira ng crack cocaine ang aking reputasyon, ang halaga ko sa aking sarili at ang respeto ko sa sarili.” — Diane