IBA’T IBANG URI NG MGA DE-LANGHAP

Photo credit: iStockphoto
Photo credit: iStockphoto

Ang mga de-langhap ay maaaring maikategorya sa apat na iba’t ibang uri:

MGA LIKIDO na nagiging singaw sa temperatura ng kuwarto. Ang mga ito ay makikita sa marami’t madaling matagpuang pambahay at industriyal na
mga produktong kinabibilangan ng mga paint thinner, pantanggal ng mga grasa, gasolina, mga glue, mga likidong pambura at mga likido para sa mga felt-tip marker.

MGA SPRAY tulad ng mga spray na pintura, mga de-spray na deodorant at
mga hair spray, mga de-spray na vegetable oil para sa pagluluto at mga fabric protector spray.

MGA GAS kabilang na ang mga medikal na pampamanhid (ether, chloroform at nitrous oxide, karaniwang tinatawag na “laughing gas”), mga butane na lighter,
mga tangke ng propane, mga dispenser ng whipped cream at mga refrigerant.

MGA NITRITE (isang kemikal na compound na matatagpuan sa mga preserbatibo ng pagkain, panlinis ng balat, mga pantanggal ng amoy sa mga kuwarto, at iba pa.) ay maituturing na espesyal na klase ng mga de-langhap na diretsong nakakaapekto sa central nervous system, utak at spinal cord. Ang mga ito ay pangunahing ginagamit bilang mga sexual enhancer at karaniwang kilala bilang “poppers” o “snappers.”

“Sa loob ng tatlong araw, isang kaibigan ang nagbigay sa akin ng glue nang libre. Noong ika-apat na araw ay humingi siya ng pera sa akin. Noong panahong iyon, adik na ako at kinailangan ko siyang bigyan ng pera para makakuha ng isang tubo ng glue. Kinailangan ko ng mga ilang tubo ng glue araw-araw.— Marty