ANO ANG HITSURA NG RITALIN?
AT IBA PANG MGA KATOTOHANAN
Ang Ritalin ay lumalabas sa maliliit na pildoras, parang kasukat at kahugis ng mga tableta ng aspirin, na may salitang “Ciba” (ang pangalan ng gumagawa) na nakatatak dito. Ang 5 mg tabletas ay mapusyaw na dilaw, 10 mg na tabletas ay mapusyaw na berde, at ang 20 mg na tabletas ay parehong puti at mapusyaw na dilaw.
Inilalarawan ito bilang pampasigla ng pangunahing sistema ng nerbiyos. Gayunpaman, kahit ang gumagawa nito, inaamin ng manggagawa nito sa literaturang nakasingit sa pakete ng droga na wala talagang nakaaalam kung paano nito naaapektuhan ang katawan ng tao: “Ang kilos nito sa katawan ng tao ay hindi lubusang naiintindihan.”
Dinudurog ng mga sugapa ang mga tableta para maging pulbos at sinisinghot ito. Ang droga ay natutunaw sa tubig, pinapadali ang pagiging likido nito na maaaring maiturok.
Gaya ng napansin ng Drug Enforcement Administration, “ang mga produktong pambotikang inililihis mula sa mga nararapat na mga pinagmumulan ay ang tanging mga pinanggagalingan ng methylphenidate na nakukuha para abusuhin.” Sa ibang salita, bawat tableta ng droga na inaabuso, sa orihinal na anyo o dinurog para maging pulbos o tinunaw sa tubig, ay nagmula sa gumagawa nito. Wala sa mga ito ang ginagawa sa mga lansangan.
“Ngayon ay hindi na ako tinatalaban ng droga at kailangan kong uminom ng 20 mg pildoras para ma-high. Inaamin ko ang aking pagiging sugapa…. Ako ay naging ‘cracked-out’ o parang zombie.” — Alex