KAMATAYAN DAHIL SA RITALIN
Ang matataas na dosis ng Ritalin ay humahantong sa katulad na mga sintomas tulad ng pag-abuso sa iba pang mga pampasigla, kabilang ang mga panginginig at pagkislot ng kalamnan, paranoia,1 at pakiramdam ng mga insekto o mga uod na gumagapang sa ilalim ng balat.
Isang 17 taong gulang, pagkatapos na suminghot ng durog na mga pildoras ng Ritalin at nananatiling gising nang ilang araw, ay nabaliw, pinatay ang kanyang
mga magulang at sinugatan nang malubha ang kanyang mga kapatid na lalaki at babae gamit ang isang palakol. Isang 14 taong gulang, na gumamit ng Ritalin simula noong siya ay 7 taong gulang, ay nambugbog ng isa pang batang lalaki hanggang sa mamatay ito gamit ang isang baseball.
Ang Ritalin ay maaaring magdulot ng pananalakay, kabaliwan at iregular na tibok ng puso na maaaring humantong sa kamatayan.
ISANG KRIMEN ANG PAG-ABUSO DITO
Sa Estados Unidos, ang pag-abuso sa Ritalin ay isinasailalim sa napakahigpit na parusang kriminal sa pag-abuso dito. Ang mga parusa sa unang paglabag sa pangangalakal (kung saan ikaw ay may-sala kahit na nakibahagi ka lamang ng isa o dalawang pildoras sa isang kaibigan) ay kinabibilangan ng 20 taon sa bilibid at multa na hanggang sa $1 milyon.
Kapag nagkaroon ng kamatayan o seryosong pinsala mula sa unang paglabag, ang kaparusahan ay 20 taon hanggang habambuhay sa kulungan. Kapag ang droga ay itinurok, ito ay nagiging paglabag sa batas na may mas mabibigat na kaparusahan.
“Napagtanto ko na ang interes ko sa speed at ang pagkasugapa ko rito ay nagsimula noong ako ay niresetahan ng Ritalin. Sa una ito ay tuwing Sabado at Linggo, pagkatapos ay naging araw-araw ito.
“Nagsimula akong magkaroon ng mga guni-guni ng mga ibong lumilipad sa himpapawid, mga pakiramdam ng mga tao na nasa sa parehong kuwartong kinalalagyan ko kahit na mag-isa ako, at ang mga simula ng paranoia. Inubos ko ang buong reseta ng Dexedrine [ng kaibigan ko] sa loob ng isang linggo. Pagkatapos ay bumalik ako sa aking Ritalin at nagpatuloy mula roon.
“Wala akong masyadong matandaan sa ika-12 na baitang. Ngunit naaalala ko ang napakatinding kalungkutan at ang kawalan ng kakayahang maintindihan kung ano ang totoong dahilan kung bakit naging mas malala ako sa paaralan. Halos hindi ako nakapagtatapos, at wala talaga akong plano para sa kolehiyo.
“Sa huling sandali ay nagpatala ako sa lokal na kolehiyo. Nagawa kong mamalaging hindi gumagamit ng halos 17 araw bago nasapawan ng pangangailangan sa speed ang lahat. Pumasok ako sa klase sa loob ng isang linggo, at miserable akong bumagsak.” — Sam
- 1. paranoia: pagdududa, kawalan ng tiwala o takot sa ibang tao.