PANGMATAGALANG MGA EPEKTO NG HEROIN
Ang mga epekto sa katawan mula sa patuloy na paggamit ng drogang ito ay talagang nakakasira. Ang madalas na pagtuturok ay maaaring magdulot ng nasirang mga ugat at humantong sa
mga impeksyon ng ugat at mga barbula ng puso. Puwedeng magkaroon ng tuberculosis1 mula sa pangkalahatang mahinang kondisyon ng katawan. Ang arthritis ay isa pang pangmatagalang resulta ng pagkalulong sa heroin.
Ang buhay-adik—kung saan ang mga gumagamit ng heroin ay kadalasang naghihiraman ng kanilang mga karayom—ay humahantong sa AIDS at iba pang nakahahawang mga impeksiyon. Tinatayang sa mga 35,000 bagong impeksiyon ng hepatitis C2 (sakit sa atay) bawat taon sa Estados Unidos, higit sa 70% ay mula sa mga gumagamit ng droga na gumagamit ng
mga karayom.
Kabilang sa pangmatagalang mga epekto ang
- Hindi magandang lagay ng mga ngipin
- Pamamaga ng mga gilagid
- Pagka-tibe
- Pagpapawis nang malamig
- Pangangati
- Paghina ng resistensiya
- Coma
- Mga karamdaman sa paghinga
- Pagkahina ng kalamnan, bahagyang pagkalumpo
- Nabawasang sekswal kakayahan at pangmatagalang pagkabaog sa mga lalaki
- Pagka-antala ng regla ng mga babae
- Kawalan ng kakayahang magkaroon ng orgasm (mga babae o lalaki)
- Kawalan ng alaala at intelektuwal na kakayahan
- Introversion
- Matinding kalungkutan
- Mga magang may nana sa mukha
- Kawalan ng gana sa pagkain
- Hindi makatulog
“Naniniwala ang mga tao na ang heroin ay pambihira, pero sa katotohanan ay nawawala sa iyo ang lahat: trabaho, mga magulang, mga kaibigan, tiwala sa sarili, ang tahanan mo. Ang pagsisinungaling at pagnanakaw ay nagiging kagawian. Wala ka nang ginagalang, tao man o bagay.” —Pete
- 1. tuberculosis: isang nakahahawang sakit na nakaaapekto sa mga baga at iba pang mga lamang-loob.