PAANO NAAAPEKTUHAN NG MGA DE-LANGHAP ANG IYONG KATAWAN?
Maaaring makapagdulot ng pinsala ang mga de-langhap sa puso, mga bato, utak, atay, utak ng buto at iba pang mga lamang-loob.
- Ang paggamit ng mga de-langhap ay nagnanakaw ng oksiheno sa katawan at pumupuwersa sa pusong tumibok nang iregular at nang mas mabilis.
- Maaaring makaranas ang mga gumagamit ng pagkaduwal at mga pagdurugo ng ilong at nawawalan ng pandinig at pang-amoy. Ang matagalang paggamit ay maaaring humantong sa panghihina ng kalamnan at paglawlaw ng kalamnan, at dahan-dahang pinipinsala ng nakalalasong mga kemikal ang mga baga at ang resistensiya ng tao.
- Ang gumagamit ng de-langhap ay nanganganib sa Sudden Sniffing Death Syndrome. Maaaring mamatay sa unang pagkakataon o sa ika-100 beses na ginamit ang
de-langhap.
“Nagsimula ito sa isang panay na pagtutuluy-tuloy mula sa pagsinghot ng glue (pandikit), pagsinghot ng gas, magic mushroom, na nagpatuloy hanggang sa naging 17 gulang ako. Pagkatapos ay nagsimula ako sa cannabis. Ginagasta ko ang pera ko sa kahit pinakamaraming cannabis na makukuha ko. Pagkatapos ay sapat na matanda na ako para makapasok sa mga club, kaya nagsimula ako doon sa mga amphetamine at Ecstasy….
“Nagsimula akong sumama sa mga taong gumagamit ng heroin, at kalaunan ay ginamit ko ito nang padalas at padalas hanggang sa naadik na ako. Wala akong ideya noon sa kasiraang idudulot noon sa akin sa paglaon...na bubuno ako ng sunud-sunod na sentensiya sa kulungan, ninanakawan ang
mga bahay ng mga tao, ninanakawan ang pamilya ko. Lahat ng sakit at pasakit na naidulot ko ay mas malala kaysa sa pagnanakaw ng mga materyal na bagay mula sa kanila.”— Dennis
“Noong nasa ikaapat na baitang ako, isang ‘kaibigan’ ko ang nagpakilala sa akin sa mga de-langhap. Dahil sa napakabata ko at walang kamuwang-muwang, sinimulan ko ang paglanghap ng gas araw-araw hanggang sa makarating ako sa ikawalong baitang. Ang mga kakayahan kong gumalaw ay sirang-sira at uupo ako nang napakatagal na nakatulala sa kawalan na walang kahit anumang pumapasok sa aking isipan. Parang bang nandito ang katawan ko pero wala ako. Nahihirapan akong magpanatili ng
mga trabaho at labindalawang taon na akong nabubuhay nang mag-isa. Mukha akong normal sa panlabas ngunit kapag sinubukan kong magpakita ng interes at makipag-usap sa mga babae, nagiging malinaw na gulay talaga ako. Sawa na akong mamuhay nang ganito at mas gugustuhin kong mamatay kaysa mabuhay nang ganito, dahil parang patay na rin naman ako.”— John