NAKAKA-ADIK BA ANG MGA DE-LANGHAP?
Ang mga de-langhap ay maaaring maging pisikal at sikolohikal na nakaaadik. Ang mga gumagamit ay nag-uulat ng matinding pagnanais na ipagpatuloy ang paggamit ng mga de-langhap, lalo na pagkatapos ng tuluy-tuloy na paggamit sa loob ng maraming araw.
Ang malimit na gumagamit na tumitigil sa paggamit ng mga de-langhap ay nagdurusa sa mga sintomas ng withdrawal na maaaring kabilangan ng pagkaduwal, sobrang pagpapawis, mga paninigas ng kalamnan, mga sakit ng ulo, pangangatog, pagkabalisa, sinasamahan ng panginginig at mga guni-guni. Sa matitinding kaso, ang withdrawal ay maaaring magdulot ng mga kombulsyon.
“Bukas ay ang ika-anim na anibersaryo ng kamatayan ng aming anak na si Justin. Siya ay 16 na taong gulang noon. Namatay siya sa pagsinghot ng air freshener, isang pag-abuso ng isang de-langhap. Ang kanyang walang katuturang kamatayan ay yumanig sa mga mundo ng lahat ng mga nakakikilala sa kanya.
Si Justin ay isang honors student na nagmamahal sa buhay at sinalubong niya ito nang may entusiyasmo… Inspirasyon siya para sa marami… Palagi akong babalikan ng katanungang kasama pa kaya namin si Justin ngayon kung nalaman lang niya ang mga panganib na kanyang sinusuong.”
— Jackie