HEROIN



Ang heroin ay karaniwang iniinheksiyon, sinisinghot o hinihithit. Ito ay sobrang nakalululong. Mabilis na pumapasok sa utak ang heroin ngunit ginagawa nitong mabagal mag-isip at tumugon ang tao, pinahihina ang kanilang kakayahang gumawa ng desisyon. Nagdudulot ito ng kahirapan sa pag-alala ng mga bagay.

Ang pagtuturok ng droga ay maaaring lumikha ng panganib na magkaroon ng AIDS, hepatitis (sakit sa atay) at iba pang mga sakit na sanhi ng naimpeksiyong
mga karayom. Ang mga problemang ito sa kalusugan ay maaaring maipasa sa sekswal na mga kapareha at mga bagong silang. Ang heroin ay isa sa tatlong drogang pinakamadalas na sangkot sa mga kamatayang dulot ng pag-abuso sa droga. Ang karahasan at krimen ay konektado sa paggamit nito.

Panandaliang Mga Epekto:

Ang mga sugapa ay nakararanas ng malabong pag-iisip, pagkaduwal at pagsusuka. Ang kamalayan sa sakit ay maaaring mapigilan. Ang mga nagdadalang-tao ay maaaring biglang makunan. Ang paggana ng puso ay bumabagal at ang paghinga ay sobrang bumabagal, minsan hanggang sa punto ng kamatayan.

Pangmatagalang Mga Epekto:

Sugatan at/o nasirang mga ugat, mga impeksiyon sa mga daluyan ng dugo at mga barbula ng puso, mga naknak at iba pang
mga impeksiyon sa malambot na mga himaymay, at sakit sa atay o bato. Maaaring magkaroon ng
mga komplikasyon sa baga. Ang paggamit ng mga karayom o mga likido ay maaaring magresulta sa hepatitis, AIDS at iba pang mga sakit ng likha ng mga mikrobyong namamahay sa dugo.


MGA SIKAT NA TAWAG


HEROIN: Big H Brown Sugar H Hell Dust Horse Junk Nose Drops Skag Smack Thunder