ANO ANG “BINGE DRINKING”?

Photo credits (middle): Nightwatching
Photo credits (middle): Nightwatching

Ang binge drinking ay ang gawaing pag-inom ng maraming alkohol nang minsanan, karaniwang nangangahulugang lima o higit pang inumin nang minsanan para sa isang lalaki, o apat o higit pang inumin nang minsanan para sa isang babae.

Halos 90% ng alkohol na iniinom ng mga kabataang mas bata sa 21 taong gulang sa Estados Unidos ay nasa kategorya ng “binge drinking”.

“Nagbi-binge drink ako bawat pagkakataong makuha ko at sa totoo lang ay diring-diri ako sa sarili ko, ngunit hindi ko mapigilan ang pagnanais kong gawin ito… Kapag uminom ako ng sobra o uminom ng partikular na mga inumin, hindi makahinga at nagkakaroon ng pula-pula sa buong katawan, pero patuloy pa rin ako sa pag-inom hanggang sa maging pagud na pagod na ako at makatulog… Hindi ako tiyak na sapat akong malakas para ihinto ang aking kahangalan.” — Allen

Noong ako mga 20 taong gulang, nagumon na ako sa pag-inom.

“Marami sa aking mga unang alalahanin ay tungkol sa pag-inom, at pumapangalawa na lamang ang iba.”

“Nagsimula kong matanto na kapag hindi ako nakainom, magsisimula akong nerbiyusin at magsisimula akong manginig.

“Kung hindi ako iinom, manginginig at magpapawis ako. Hindi ako makatagal nang ilang oras nang hindi umiinom.” — Paul

Itong nakaraang taon ay pumasok ako nang lasing, nawalan ng ulirat sa mga club at mga bar at hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi. Nakakahiyang nakipagsiping ako sa isang tao at hindi ko man lamang matandaang kasama kong umuwi ang taong iyon hanggang sa makasalubong ko siya noong sumunod na araw.

“Dalawang relasyon ang nasira ko dahil sobra ko silang nasaktan dahil sa akin pag-inom, ngunit inuna ko ang pag-inom ko.

“Sobrang nasasaktan ang pamilya ko na pinapatay ng kanilang anak na babae ang kanyang sarili nang parang walang dahilan.”
— Jamie