PAG-ABUSO SA MGA DROGANG NABIBILI NANG WALANG RESETA
Ang mga gamot sa sipon at ubo na nabibili nang walang reseta na naglalaman ng drogang Dextromethorphan (DXM) ay inabuso rin. Ang DXM ay ibenibenta sa anyong sirup, gel at tableta. Kapag ibinebenta sa Internet bilang pulbos, karaniwang mapanganib ito dahil sa walang katiyakan sa komposisyon at dosis nito. Matatagpuan ito sa higit pa sa 100 produkto; Ang Coricidin at Robitussin ang pinaka-inaabuso.
MGA EPEKTO
- Biswal na mga guni-guni
- Sobrang hindi mapakali
- Hindi makatulog
- Katamaran
- Pisikal na pagdepende (sa matagalang paggamit)
- Pagkahilo
- Hindi malinaw na pananalita
- Mga delusyon
- Pagpapawis
- Mataas na presyon ng dugo
- Kapinsalaan sa atay at utak
Ginamit kasabay ng ibang droga, ang cough syrup ay maaari ring magdulot ng mga problema sa pangunahing sistema ng nerbiyos at
mga problema sa puso. Ginamit kasabay ng alkohol, napakamapanganib nito at maaaring magresulta sa kamatayan.
MGA SIKAT NA TAWAG
BRAND NAMES
Coricidin
Robitussin
STREET NAMES
DXM
CCC
Triple C
Skittles
Robo
Poor Man’s PCP