MGA OPIOID AT DERIBATIBA NG MORPHINE

Photo credit: S.F.P.
Photo credit: S.F.P.

PANANDALIANG MGA EPEKTO

Kabilang sa panandaliang mga epekto ng mga opioid at mga deribatiba ng morphine ang:

  • Pagkahilo
  • Napabagal na paghinga
  • Pagka-tibe
  • Kawalan ng malay
  • Pagkaduwal
  • Coma

PANGMATAGALANG MGA EPEKTO

Ang patuloy na paggamit at pag-abuso ng mga opioid ay maaaring magresulta sa pisikal na pagdepende at adiksyon. Ang katawan ay bumabagay sa pagkakaroon ng droga at maaaring magkaroon ng mga sintomas ng withdrawal kapag nabawasan o itinigil ang paggamit. Kabilang dito ang pagkabalisa, pananakit ng kalamnan at mga buto, hindi makatulog, pagtatae, pagsusuka, at panlalamig na kinikilabutan (tinatawag na “cold turkey”). Maaari ring hindi na tablan ng epekto ng droga ang tao, ibig sabihin ay kailangang taasan ng mga gumagamit na nang matagalan ang kanilang mga dosis para makuha ang parehong “high”.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-abuso sa mga painkiller, tingnan ang
Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Painkiller.

“Ipinakilala ako ng isang ‘kaibigan’ ko sa oxy’s. Nagsimula ako sa 40 mg na tableta, at pagkatapos ng mga dalawang buwan ay tinaasan ko ito at ginawang 60 mg. Talagang naadik na ako sa puntong iyon at sinimulan kong nguyain ang mga ito para madaling makakuha ng epekto para hindi ako magkasakit. Kinailangan kong uminom nito sa umaga pagkagising ko, kung hindi ay magkakasakit ako. Kinailangan kong uminom ng isa pa bago mag-tanghalian. Pagkatapos ay dalawa pa sa hapon at sa gabi. Alam kong lulong na ako dahil kinakailangan ko ang mga ito para makagalaw. Napakasama ng pakiramdam ko kapag wala nito. Hindi lamang sa pisikal na paraan, hindi ko rin kayang humarap sa mga tao o sa buhay nang wala ang mga ito. Pagkatapos ako ay dumating ako sa 80 mg at gumuho ang mundo ko. Nagsimula akong magnakaw mula sa lahat ng mga nakilala ko para lamang makatira….”
— Charleen