MGA TAGAPAGTURO
Ano ang posible mong masabi sa iyong mga estudyante tungkol sa pag-abuso sa droga na hindi pa nila narining nang libong beses?
Bilang isang tagapagturo gusto mong matulungan ang mga kabataang maging malayo sa mga droga at alam mong kailangan mo silang maabot bago sila maabot ng mga dealer. Habang minsan ay nagkukulang ang panahon at mga materyales para sa epektibong pagbibigay-edukasyon sa droga, at ang mga materyales na ginagamit ay kadalasang luma na, hindi pa binabanggit na hindi talaga “nakikipag-usap” ang mga ito sa mga bata, doon kami makatutulong.“Gustung-gusto ko ang programa at kung paanong maayos na maayos ang lahat. Ang mga leksiyon ay naplano nang napakahusay at maraming iba’t ibang materyales ang magagamit sa bawat leksiyon. Napakahusay ng pagkakagawa ng mga booklet!! ...Hangang-hanga sila [mga estudyante] sa mga kuwentong ibinahagi ng mga adik sa mga booklet. Binigyan sila nito ng mahusay na tingin sa aktwal na mga resulta ng paggamit ng droga. Ang ilan sa kanila ay nakapagsalita tungkol sa paggamit ng droga ng mga magulang nila. Hangang-hanga akong mayroong ganitong programa na LIBRE at talagang nakapagbibigay-impormasyon. Naroon lahat!!!”
LM, Health Teacher, New York
“Ginamit ko ang materyal na natanggap at ginawa kong mamulat ang mga estudyante sa mga epekto ng droga, ibinibigay pa ang inyong website para sa karagdagang pagsangguni. Napaka-epektibo ng programang ito. Sa katotohanan, pagkatapos ng sesyon, dalawang batang lalake ang nanghingi ng karagdagang tulong at iniugnay sa isang lokal na ahensiya na nakikipagtrabaho sa mga kabataang gumagamit ng mga droga. Naapektuhan nito ang kanilang kaalaman. Tumaas ang kamalayan nila sa mga side effect.
“Sana mas maraming estudyante ang susubok na idirekta ang kanilang pag-uugali at umiwas sa
mga panganib. Ang reaksiyon mula sa ilang estudyante ay ‘Hindi ako gagamit ng drugs kahit kailan!’ ‘Sasabihan ko ang mga kaibigan ko tungkol dito!’ at ‘Ang pag-eeksperimento ay bahagi ng kabataan, ngunit puwede namang mag-eksperimento sa sports.’”
CA, Teacher, Malta
“Gusto ko na [ang programa para sa pagbibigay-edukasyon sa droga] ay parehong mayroong video at mga booklet. Binigyan nito ang aking mga anak ng tunay na impormasyon at nasurpresa sila sa mga hindi nila alam habang binabasa nila ang mga ito. Akala ng mga estudyante ko na alam nila ang tungkol sa mga droga, ngunit ang LSD ay bago sa karamihan sa kanila. Inisip nilang ang mga droga ay may panandaliang epekto lamang maliban na lamang kung na-adik ka at gumamit ka nang marami. Nasurpresa silang malamang ang isahang gamit lamang ay maaaring makasira sa buong buhay mo.”
CG, Teacher, South Carolina
Para maka-order ng Education Package ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga i-click ito >>