ANO ANG SASABIHIN SA IYO NG MGA NAGBEBENTA
Noong sinarbey ang mga kabinataan at kadalagahan para malaman kung bakit sila nagsimulang gumamit ng droga, 55% ang nagsabing dahil ito sa pang-uudyok ng kanilang mga kaibigan. Gusto nilang maging cool at sikat. Alam ito ng mga nagbebenta.
Ang mga nagbebenta ng droga, inuudyukan ng mga kita na maaari nilang makuha, ay kung anu-ano ang sasabihin para mapabili ka nila ng kanilang droga. Sasabihin nila sa inyo na ang paggamit ng LSD ay “makapagpapalawak sa inyong isipan.”
Wala silang pakialam kung sisirain ng mga droga ang buhay mo hangga’t sa nababayaran sila. Ang gusto lamang nila ay pera. Inamin ng dating mga nagbebenta na ang tingin nila dati sa
mga mamimili ay “mga piyesa sa isang laro ng chess.”
Alamin ang mga katotohanan tungkol sa droga. Magkaroon ng sarili ninyong mga desisyon.
Sa sarili kong munting mundo ng trip ay nagsimula akong maging paranoid, pakiramdam ko ay nag-uusap-usap ang mga kaibigan ko na may gawin, baka patayin ako. Naisip ko sa sarili ko, kailangan kong umalis dito.
“Tumakbo ako sa kuwarto ng kaibigan ko, binuksan ang bintana nang todo at tumalon. Suwerte ko at sa unang palapag nakatira ang kaibigan ko. Tumakbo ako sa kabuuan ng isang kakahuyan patungo sa isang tulay. Nararamdaman ko ang puso kong tumitibok nang pabilis at pabilis. Naririnig ko ang
mga boses na nagsasabi sa akin na magkakaroon ako ng atake sa puso at mamamatay.
“Hindi iyon ang katapusan. Ilang taon ang nakalipas, tumatakbo ako at bigla na lamang, bam, nagkakaroon ako ng mga flashback ng panahong tumatakbo ako sa trip ko. Nagsimula akong magkaroon ng napakasamang panic attack at nakarinig ako ng mga boses na nagsasabi sa aking magkakaroon ako ng atake sa puso at mamamatay.
“Sasabihan ko ang kahit na sinong nag-iisip na gumamit ng LSD na magdalawang-isip.” — Brian