MGA DE-LANGHAP
Kabilang sa mga de-langhap ang mga kemikal na matatagpuan sa mga produktong pambahay na tulad ng mga de-bombang aerosol, mga likidong panlinis, pandikit, pintura, pampalabnaw ng pintura, pang-alis ng nail polish, amyl nitrite1 at likidong para sa lighter. Ang mga ito ay sinisinghot.
Ang mga de-langhap ay nakaaapekto sa utak. Kapag ang
mga sangkap o mga singaw ay nilanghap sa pamamagitan ng ilong o bunganga, maaaring magdulot ang mga ito ng permanenteng pisikal at pangkaisipang mga pinsala. Ninanakawan ng mga ito ng oksiheno ang katawan at pinupuwersa ang puso na tumibok nang iregular at mas mabilis. Ang mga taong gumagamit ng
mga de-langhap ay maaaring mawalan ng pang-amoy, dumanas ng pagkaduwal at pagdurugo ng ilong at maaaring magkaroon ng mga problema sa atay, baga at bato. Ang tuluy-tuloy na paggamit ay maaaring humantong sa pagliit, paglawlaw at paghina ng kalamnan. Ang mga de-langhap ay nakalulumpo, ginagawang hindi makapagsalita at hindi makapag-isip nang normal ang mga tao. Marami sa mga pinsala ang naidudulot sa mga himaymay ng utak kapag ang nakakalasong mga usok ay nasinghot nang direkta sa sinus.2
Panandaliang Mga Epekto:
Karagdagan sa mga nabanggit, maaaring makamatay ang mga de-langhap dahil sa atake sa puso o sa pagsinghap habang pinapalitan ng mga nalanghap na usok ang oksiheno sa mga baga at sa central nervous system (pangunahing sistema ng nerbiyos). Ang taong gumagamit ng de-langhap ay maaari ring biglang kumilos nang may matinding karahasan.
Pangmatagalang Mga Epekto:
Maaaring humantong sa pagkasira, paglawlaw at kawalan ng lakas ng kalamnan. Maaaring permanenteng makasira sa katawan at sa utak.