SA LIKOD NG TABING NG USOK
Ang paggamit ng marijuana ay hindi lamang masama sa humihithit nito. Maaari rin siyang maging panganib sa lipunan.
Malinaw na ipinapakita sa pananaliksik na ang marijuana ay potensiyal na pagmulan ng mga problema sa araw-araw na buhay. Natuklasan ng isang pag-aaral sa 129 estudyante sa kolehiyo na sa
mga humithit ng droga, humigit-kumulang 27 araw sa loob ng 30 araw bago sila na-sarbey, napakahalagang mga kakayahang may kinalaman sa atensiyon, alaala, at pag-aaral ang nabawasan nang malaki. Isang pag-aaral sa mga kawani ng tanggapan ng koreo ang nakatuklas na ang mga empleyadong naging positibo sa pagsusuri sa marijuana ay may 55% mas maraming aksidente, 85% mas maraming sakuna at 75% na pagtaas sa pagliban sa trabaho.
Sa Australia, natuklasan ng isang pag-aaral na ang pagkalango sa cannabis ay responsable sa 4.3% ng pagkamatay ng mga nagmamaneho.
Halos imposibleng lumaki sa Amerika, o kahit saang bansa, at hindi malantad sa mga droga. Ang pamimilit ng mga kaibigang gumamit ng droga ay mataas at hindi palaging madaling makuha ang tapat na impormasyon sa mga panganib ng droga.
Maraming mga taong magsasabi sa iyong hindi mapanganib ang marijuana. Isipin kung sino ang nagsasabi sa iyo noon. Ito ba ang parehong mga taong nagbebenta sa inyo ng pot?
Maaaring makasama ang marijuana sa alaala ng isang tao—at ang epektong ito ay maaaring tumagal nang ilang araw o linggo pagkatapos mawala ang agarang mga epekto ng droga. Sa isang pag-aaral, isang grupo ng mga matitinding gumamit ng marijuana ay pinakiusapang umalala ng mga salita mula sa isang listahan. Ang kanilang kakayahang wastong tandaan ang mga salita ay hindi bumalik sa normal hanggang sa kasintagal ng apat na linggo makatapos silang tumigil sa paghithit.39
Ang mga estudyanteng gumagamit ng marijuana ay may mas mabababang grado at mas malamang na hindi makatuntong sa kolehiyo kumpara sa mga hindi humihithit. Simpleng wala silang parehong kakayahang umalala at magsaayos ng impormasyon kumpara sa mga hindi gumagamit ng
mga substansyang iyon.
“Ang teacher sa eskuwelahang pinapasukan ko ay humihithit ng tatlo o apat na joint sa isang araw. Napasimula niya ang maraming estudyante na humithit ng joint, kabilang na ako. Inudyukan ako ng nagbebenta sa kanya na simulang gumamit ng heroin, na ginawa ko nang walang pagtutol. Noong panahong iyon, para bang patay na ang konsensiya ko.” — Veronique
Ano Ang Sasabihin sa Iyo ng Mga Nagbebenta
Noong sinarbey ang mga kabinataan at kadalagahan para malaman kung bakit sila nagsimulang gumamit ng droga, 55% ang nagsabing dahil ito sa pang-uudyok ng kanilang mga kaibigan. Gusto nilang maging cool at sikat. Alam ito ng mga nagbebenta.
Lalapitan ka nila bilang isang kaibigan at mag-aalok na “tulungan ka” gamit ang “isang bagay na makapagpapa-angat sa kalooban mo.” “Tutulungan kang mag-fit in” ng droga o “gagawin ka nitong cool.”
Ang mga nagbebenta ng droga, inuudyukan ng mga kita na maaari nilang makuha, ay kung anu-ano ang sasabihin para mapabili ka nila ng kanilang droga. Sasabihin nila sa iyong “hindi ka dadalhin ng weed sa mas malalakas na droga.”
Wala silang pakialam kung sisirain ng mga droga ang buhay mo hangga’t sa nababayaran sila. Ang gusto lamang nila ay pera. Inamin ng dating mga nagbebenta na ang tingin nila dati sa mga mamimili ay “mga piyesa sa isang laro ng chess.”
Alamin ang mga katotohanan tungkol sa droga. Magkaroon ng sarili ninyong mga desisyon.