PAG-INOM AT PAGMAMANEHO

Photo credits: Bigstockphoto
Photo credits: Bigstockphoto
  • Sa Estados Unidos noong 2007, ang bilang ng mga namatay sa aksidente mula sa
    mga kabataang nagmamaneho nang lasing ay 1,393—halos apat na patay sa aksidente bawat araw ng buong taon.
  • Ang mga aksidente sa mga sasakyang de motor ang mga pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga kabataan sa Estados Unidos at ang mga ito ang responsable sa mahigit sa isa sa tatlong mga kamatayan ng mga Amerikanong kabataan. Sa
    mga kabataang namatay sa daan noong 2006, 31% ay nakainom, ayon sa National Highway Traffic Safety Administration (Pambansang Administrasyon sa Kaligtasang Pantrapiko sa Mga Punong Lansangan).
Ang panganib ng isang nagmamanehong nakainom na mamatay sa isang sakuna ng saksakyan ay halos 11 beses na mas mataas kaysa sa mga tagapagmanehong walang alkohol sa kanilang katawan.

Sa karamihan, estadistika lamang ang mga ito—marahil ay nakabibigla, ngunit mga estadistika lamang. Ngunit sa mga pamilya at mga kaibigan ng mga namatay bilang resulta ng pag-inom at pagmamaneho ng kabataan, ang bawat numero ay kumakatawan sa isang kalunus-lunos na pagkawala.

Sinisira ng alkohol ang pang-unawa at pagpapasya ng isang tao. Ang mga taong nasa ilalim ng impluwensiya ng alkohol ay maluwag sa loob na umaaming ang kanilang bilis ng reaksiyon ay mas mabagal kaysa kung hindi sila nakainom, at marami silang ginagawa na hindi nila gagawin kapag maliwanag ang kanilang pag-iisip. Kadalasang ang mga “gawaing” iyon ay nakamamatay.

Pag-unawa sa kung paano naaapektuhan ng alkohol
ang katawan

Ang alkohol ay pumapasok sa daluyan ng dugo sa pamamagitan ng maliliit na daluyan ng dugo sa loob ng sikmura at maliit na bituka. Sa loob ng ilang minuto ng pag-inom ng alkohol, naglalakbay ito mula sa tiyan papunta sa utak, kung saan mabilis nitong nililikha ang mga epekto nito, pinababagal ang aksiyon ng mga selyula ng nerbiyos.

Humigit-kumulang 20% ng alkohol ay nasisipsip sa pamamagitan ng sikmura. Karamihan ng nalalabing 80% ay nasisipsip sa pamamagitan ng maliit na bituka.

Ang alkohol ay dinadala rin ng daluyan ng dugo patungo sa atay, na tumatanggal ng alkohol sa dugo sa pamamagaitan ng isang prosesong tinatawag na “metabolismo,” kung saan ang alkohol ay ginagawang isang hindi nakalalasong substansya. Maaari lamang makapagmetabolisa ang atay ng partikular na dami sa isang beses, hinahayaan ang nalalabing lumilibot sa buong katawan. Sa gayon ang tindi ng epekto sa katawan ay direktang kaugnay sa daming nainom.

Kapag ang dami ng alkohol sa dugo ay lumagpas sa isang tiyak na antas, bumabagal nang malaki ang sistema ng paghinga, at maaaring magdulot ng coma o kamatayan, dahil hindi na umaabot ang oksiheno sa utak.