SIYENTIPIKONG IMPORMASYON

“Ginawa akong baliw ng Ecstasy. Isang araw ay kumagat ako ng salamin, tulad ng pagkagat ko sa isang mansanas.  Kinailangan pang mapuno ang bunganga ko ng bubog para magising ako sa kung ano ang nagyayari sa akin.  Minsan naman ay isang oras akong nagpunit ng mga basahan gamit ang mga ngipin ko.” —Ann (Photo credits: stockxpert.com, Bigstockphoto)
“Nabaliw ako dahil sa Ecstasy. Isang araw ay kumagat ako ng salamin, tulad ng pagkagat ko sa isang mansanas. Kinailangan pang mapuno ang bunganga ko ng bubog para magising ako sa kung ano ang nagyayari sa akin. Minsan naman ay isang oras akong nagpunit ng mga basahan gamit ang mga ngipin ko.” —Ann

(Photo credits: stockxpert.com, Bigstockphoto)

Napakaraming pag-aaral ang ginawa tungkol sa Ecstasy. Ipinapakita ng mga ito na:

  • Ang paggamit ng Ecstasy ay maaaring makasira ng atay tulad sa kaso ng 14 na taong gulang na batang babaeng namatay, sa kabila ng pagsusubok ng mga doktor na sagipin siya sa pamamagitan ng paglilipat ng bagong atay sa kanyang katawan.
  • Ang Ectasy ay minsan ding hinahaluan ng mga sangkap na tulad ng lason sa daga.
  • Namatay dahil sa dehydration (pagkatuyot), kapaguran at atake sa puso ang mga kabataan bilang resulta ng sobrang paggamit ng Ecstasy.
  • Ang Ecstasy ay maaaring magdulot ng pinsala sa bato, atay at utak, kabilang na ang matagalang mga sugat (mga pinsala) sa mga himaymay ng utak.
  • Kahit na kaunting Ecstasy ay sapat na mapanganib para malason ang nervous system (sistema ng nerbiyos) at magdulot ng hindi na magagamot na pinsala.

Pagsugpo sa propaganda tungkol sa droga

Ang “positibong” imahe ng mga droga ay pangunahing nanggagaling mula sa pagmumukha nitong glamoroso sa mga pelikula at musika.

Kapag ang isang bagay ay unang lumabas sa pamilihan, madalang itong itinuturing na mapanganib hangga’t sa matagal nang nakikita ang pinsala. Sa panahong iyon ay nagawa na ang pinsala, at ang maling ideya na ang droga ay “mapanganib” ay malawak nang tinanggap.

Ang Ecstasy ay naging paksa ng katulad na propaganda. Tulad ng napansin ng isang nag-oobserba sa media, “Para bang isang henyo sa marketing ang naka-imbento ng kampanya para dito.”

Ano Ang Sasabihin sa Iyo ng Mga Nagbebenta

Noong sinarbey ang mga kabinataan at kadalagahan para malaman kung bakit sila nagsimulang gumamit ng droga, 55% ang nagsabing dahil ito sa pang-uudyok ng kanilang mga kaibigan. Gusto nilang maging cool at sikat. Alam ito ng mga nagbebenta.

Lalapitan ka nila bilang isang kaibigan at mag-aalok na “tulungan ka” gamit ang “isang bagay na makapagpapa-angat sa kalooban mo.” “Tutulungan ka nitong maging ‘in’” o “gagawin ka nitong cool.”

Ang mga nagbebenta ng droga, inuudyukan ng mga kita na maaari nilang makuha, ay kung anu-ano ang sasabihin para mapabili ka nila ng kanilang droga.

Kung gagamit ka ng Ecstasy, “maraming babae ang magkakagusto sa iyo.”

Wala silang pakialam kung sisirain ng mga droga ang buhay mo hangga’t sa nababayaran sila. Ang gusto lamang nila ay pera. Inamin ng dating mga nagbebenta na ang tingin nila dati sa
mga mamimili ay “mga piyesa sa isang laro ng chess.”

Alamin ang mga katotohanan tungkol sa droga. Magkaroon ng sarili ninyong mga desisyon.