LIBRENG BOOKLET NG ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA DE-LANGHAP

ORDER THIS BOOKLET

[?]

Ang mga de-langhap ay tumutukoy sa mga singaw galing sa nakalalasong
mga bagay na sinisinghot sa pamamagitan ng ilong at/o bibig para magkaroon ng isang mabilis na high. Sa mahigit na 1,000 kabahayan at ibang pangkaraniwang mga produktong maaaring abusuhin bilang mga de-langhap, ang mga pinaka-ginagamit ay shoe polish (panlinis ng sapatos), glue (pandikit), toluene, gasolina, lighter fluid (likido ng lighter), nitrous oxide o “whippets,” spray paint (pinturang de-spray), correction fluid (likidong pambura), cleaning fluid (likidong panlinis), amyl nitrite o “poppers,” locker room deodorizers (mga pantanggal ng amoy ng locker room) o “rush,” at lacquer thinner o ibang solvent para sa pintura.

Karamihan sa mga produktong ito ay nakalilikha ng
mga epektong katulad ng mga pampamanhid, na nagpapabagal sa mga gawain ng katawan. Pagkatapos ng unang high at pagkawala ng inhibisyon ay dumarating ang pagkahilo, panghihina at pagkabagabag.

Ilan sa sikat na mga pangalan nito ay air blast, satan’s secret, ames, hippie crack, huff, snappers, moon gas, bullet, toilet water, quicksilver and hiagra in a bottle.

Alamin kung paano agarang nakapagdudulot ang mga inhalang ng pinsala sa utak at kamatayan at kung ano ang sinasabi ng mga gumagamit nito tungkol sa kanilang mga karanasan. Alamin ang mga katotohanan.

Humingi ng inyong LIBRENG kopya ng booklet na Ang Katotohanan Tungkol sa
Mga De-Langhap.