MGA EPEKTO NG CRYSTAL METH AT METHAMPHETAMINE

Ang crystal meth at meth ay nilalanghap, hinihithit o itinuturok. Ang mabababang dosis ay nasa anyo ng pildoras.

Ang crystal meth ay isang anyo ng methamphetamine na nahahawig sa mga bubog o makikintab na mga bato na bughaw-puti ang kulay. Sa lansangan, kilala ito bilang “ice,” “kristal,” “glass” at iba pang mga pangalan. Isa itong napakalakas at nakalululong na gawa ng taong pampasigla na nagdudulot ng karahasan at mapusok at mala-baliw na pag-uugali. Maraming gumagamit nito ang nahu-“hook” (nalululong) mula sa unang beses na gamitin nila ito. Isa ito sa mga drogang pinakamahirap na gamutin.

Panandaliang Mga Epekto:

Ang negatibong mga epekto ay maaaring kinabibilangan ng balisang mga pagtulog, sobrang kalikutan, pagduwal, delusyon sa kapangyarihan, napatinding pagka-agresibo at pagiging iritable. Maaari itong magdulot ng nabawasang pakiramdam ng pagkagutom at maaaring magdulot ng pagbaba ng timbang. Sa mas matataas na dosis ay may mas matitinding “rush,” na sinusundan ng napatinding pagkaligalig at minsan ay karahasan. Ang ibang mga epekto ay maaaring kinabibilangan ng insomnia, kalituhan, mga guni-guni, pagkabalisa at paranoia. Maaaring magdulot ng mga kombulsyon na maaaring humantong sa kamatayan.

Pangmatagalang Mga Epekto:

Napabilis na tibok ng puso at presyon ng dugo, kasiraan ng mga daluyan ng dugo sa utak, humahantong sa mga atake o iregular na tibok ng puso at ganap na pagtigil sa paggana ng mga daluyan ng dugo at puso o kamatayan. Maaaring magdulot ng pinsala sa atay, bato at baga. Ang mga gumagamit ay maaaring dumanas ng pinsala sa utak, kabilang na ang paghina ng memorya at paglalang kawalan ng kakayahang makaintindi ng hindi aktwal na mga kaisipan. Ang mga gumagaling ay kalimitang nagkakaroon ng mga pagkablangko sa mga bahagi ng alaala at sobrang pag-iiba-iba ng pag-uugali.

“Ang crystal meth ay ang pinili kong droga, ngunit mayroon ding iba—mura, madaling makuha, madaling makasugapa at, siyempre, madaling gamitin. Sinubukan ko ito minsan at BOOM! Nalulong ako. Isa sa pangunahing mga bagay na naapektuhan nito ay ang aking propesyon sa musika. Mayroon akong napakagaling na banda at tumutugtog ng napakahusay na musika at mayroong magagaling na mga kasama na hindi lamang mga miyembro ng banda kundi matatalik na mga kaibigan pa. Nagbago ang lahat ng iyon nang magsimula akong gumamit ng meth.”— Brad



MGA SIKAT NA TAWAG


METH: Beannies Brown Chalk Crank Chicken feed Cinnamon Crink Crypto Fast Getgo Methlies Quik Mexican crack Pervitin (Czech Republic) Redneck cocaine Speed Tick tick Tweak Wash Yaba (Southeast Asia) Yellow powder CRYSTAL METH: Batu Blade Cristy Crystal Crystal glass Glass Hot ice Ice Quartz Shabu Shards Stove top Tina Ventana