COCAINE NG MAHIRAP
Ang Ritalin ay madaling makuha at abot-kaya. Kinuha mula sa inireseta para sa ibang tao, ninakaw mula sa isang kapatid o nakuha mula sa isang pekeng reseta, ang mga tabletang ito ay malawakang ipinagbibili. Ang presyo ay nasa isang dolyar o dalawa hanggang sa $20 bawat tableta sa ilegal na pamilihan.
Ang paghahambing ng Ritalin sa cocaine ay hindi isang salawikain lamang. Ang Ritalin ay hawig sa kemikal na komposisyon ng cocaine. Kapag naiturok bilang isang likido, ito ay nagbibigay ng “alog” na sobrang pinananabikan ng mga sugapa.
Noong 2000, isiniwalat ng Drug Enforcement Administration (DEA) ang mga resulta ng mga pag-aaral sa parehong mga hayop at mga tao na binigyan ng cocaine at Ritalin. Hindi matukoy ng mga kabilang sa pagsusuri ang kaibahan. Napagpasiyahan ng DEA na “Pareho silang nagdudulot ng mga epektong halos magkatulad.”
Sakop ng pag-abuso sa Ritalin
Ang pag-abuso sa mga inireresetang droga tulad ng Ritalin ay tumataas.
Noong 2006, halos 7 milyong Amerikano ang umaabuso ng inireresetang
mga droga, higit pa sa bilang ng mga umaabuso sa cocaine, heroin, mga hallucinogen (pampaguni-guni), Ecstasy at mga de-langhap, na pinagsama-sama. Ang 7 milyon na iyon ay 3.8 milyon lamang noong 2000—80% na pagtaas sa loob lamang ng anim na taon.
Noong 2007, 3.8% ng mga nasa ika-12 na baitang ang naiulat na nakagamit ng Ritalin nang walang reseta isang beses man lamang sa nakaraang taon.
Isang mahalagang bagay na nagiging dahilan ng pag-abuso ay ang napakalaking pagtaas sa bilang ng mga resetang isinulat para sa Ritalin at iba pang
mga pampasigla.
Sa Estados Unidos, ang bilang ng mga reseta para sa mga pampasigla ay bumulusok paitaas mula sa halos 5 milyon noong 1991 hanggang sa halos 35 milyon noong 2007.
Noong 2004, ang methylphenidate (Ritalin) ay napabilang sa isang tinatantiyang 3,601 mga pagbisita sa emergency department ng mga ospital, kung ikukumpara sa 271 noong 1990.
Mula 1990 hanggang 2000, 186 na kamatayan sa Estados Unidos ay naugnay sa Ritalin. Ang panganib ay pinakamataas para sa mga taong sumisinghot ng droga nang maramihan.
Simula noong 1995, ito ay humanay sa listahan ng Drug Enforcement Administration ng “pinaka-ninanakaw” na gamot.