ALKOHOL

Pinahihina ng alkohol ang iyong central nervous system (pangunahing sistema ng nerbiyos na ang utak at gulugod), pinahihina ang mga inhibisyon1 at pinahihina ang pagpapasiya. Ang pag-inom nang marami ay maaaring humantong sa coma at maging sa kamatayan. Ang paghahalo ng alkohol sa mga gamot o mga drogang kalye ay napakamapanganib at maaaring makamatay. Iniimpluwensiyahan ng alkohol ang inyong utak at humahantong sa pagkawala ng koordinasyon, napabagal na reaksiyon, napapasama ang paningin, mga pagkalimot at mga pagkawala ng ulirat. Ang batang mga katawan ay lumalaki pa at ang alkohol ay may malaking impluwensiya sa pisikal at pangkaisipang kagalingan kaysa sa mas matatanda.

Panandaliang Mga Epekto:

Photo credit: istockphoto.com/Lisa Young
Photo credit: istockphoto.com/Lisa Young
Mainit na pakiramdam, namumulang balat, napahinang pagpapasiya, kawalan ng koordinasyon, malabong pagsasalita, kawalan ng memorya at pang-intindi. Ang sobrang pag-inom ay kadalasang humahantong sa “hangover,” sakit ng ulo, pagduduwal, pagkabalisa, panghihina, pangangatog at minsan ay pagsusuka.

Pangmatagalang Mga Epekto:

Hindi na natatalaban ng maraming hindi magagandang epekto ng alkohol at resultang kakayahang uminom ng mas marami. Humahantong ito sa humihinang pisikal na kondisyong maaaring kinabibilangan ng pagkasira ng atay at nagpapataas ng panganib ng sakit sa puso. Ang isang buntis ay maaaring magsilang sa isang sanggol na may mga depekto na maaaring makaapekto sa puso, utak at iba pang pangunahing mga lamang-loob ng sanggol. Ang isang tao ay maaaring malulong sa alkohol. Kapag ang isang tao ay biglaang tumigil sa pag-inom, maaaring magsimula ang mga sintomas ng withdrawal. Mula sa pagkamagugulatin, hindi makatulog, pagpapawis at mahinang gana sa pagkain hanggang sa
mga kombulsyon at minsan ay kamatayan. Ang pag-abuso sa alkohol ay maaaring humantong sa dahas at mga salungatan sa personal na mga ugnayan ng isang tao.

  1. 1. inhibisyon: mga ideya o mga patakarang pumipigil sa isang tao sa paggawa ng isang bagay.