PAGPIRMA SA PANATANG DRUG-FREE

Dahil ang unang pagharap ng isang bata sa mga droga ay maaaring mangyari sa anumang edad, ang sagot ay ang maabot sila bago sila maabot ng mga dealer.

At tungkol doon ang mga gawaing pag-agap sa droga ng Foundation. Gumagawa ng panatang mamuhay nang malaya sa droga ang mga bata at hinihikayat ang kanilang mga kaibigan at mga kaklaseng ganoon din ang gawin, sa gayon ay bumubuo ng pundasyon para sa isang buhay na malaya sa droga at mas ligtas na komunidad.

Ang programa ng Drug-Free world ay kumakatawan sa isang napakalaking hakbang tungo sa pagpapalaki ng isang henerasyon na mananatiling malaya mula sa mga pinsala ng pag-abuso sa droga. Sa pamamagitan ng mga event at mga pagpirma sa panata, ang pamumuhay nang malaya sa droga ay naitaguyod sa milyong kabataan sa buong mundo.
Ang programa ng Drug-Free World program ay kumakatawan sa isang napakalaking hakbang tungo sa pagpapalaki ng isang henerasyon na mananatiling malaya mula sa mga pinsala ng pag-abuso sa droga. Sa pamamagitan ng mga event at mga pagpirma sa panata, ang pamumuhay nang malaya sa droga ay naitaguyod sa milyong kabataan sa buong mundo.
Maaari silang pumirma sa mga banner sa kanilang palaruan, o sa kanilang lokal na mga community center.

Sa oras na mabigyan ng kapangyarihan, dinadala ng kabataan ang kanilang mensaheng drug-free saanman at sa lahat ng lugar. Kapag pinirmahan ng isang tao ang Panatang Drug-Free, ginawa na nila ang unang hakbang sa pakikilahok tungol sa paglikha ng isang mundong malaya sa droga. Ang mga panatang may daan-daan o libu-libong pirma ay nakalilikha ng malaking epekto kapag ipinakita sa publiko o itinanghal sa isang pampublikong opisyal. Milyong tao sa buong mundo at lahat ng edad at mula sa iba’t ibang klase ng buhay ang pumirma sa Panatang Drug-Free—nangangakong mamuhay nang malaya sa droga at magtaguyod ng uri ng pamumuhay na malaya sa droga.

Sa maraming bansa at sa maraming wika, ang Panatang Drug-Free ay isang pangunahing gawain ng kampanyang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga.

Para makapirma sa Panatang Drug-Free para sa Kabataan—i-click ito >>

Para makapirma sa Panatang Drug-Free para sa Nakatatanda—i-click ito >>