COCAINE AT CRACK COCAINE


Ang cocaine and crack cocaine ay maaaring inumin, padaanin sa ilong (singhutin), iturok gamit ang hiringgilya o, sa kaso ng crack, sa pamamagitan ng pagsinghot ng usok na nalilikha sa pag-iinit dito.

Ang mga terminong ginamit para ilarawan ang paggamit ay kinabibilangan ng pagnguya, pagsinghot, mainlining (pagtuturok sa isang malaking ugat) at paghithit.

Ang salitang cocaine ay tumutukoy sa drogang nasa anyong pulbo (cocaine) at isang kristal na anyo (crack). Gawa ito mula sa halamang coca at, sunod sa methamphetamine,1 ang cocaine ang lumilikha ng pinakamatinding sikolohikal na pagkahumaling kumpara sa anumang ibang droga.

Panandaliang Mga Epekto:

Ang cocaine ay nagdudulot ng panandaliang “high” na kaagad na sinusundan ng kabaligtaran—matinding pakiramdam ng matinding kalungkutan at pagkabalisa at ang paghahangad pa ng marami sa droga. Ang mga taong gumagamit nito ay madalas na hindi kumakain o natutulog nang maayos. Nakararanas sila ng matinding pagbilis ng tibok ng puso, pamumulikat ng mga kalamnan at
mga kombulsyon. Ang droga ay maaaring magdulot sa mga tao na makaramdam ng paranoia, galit, makaramdam ng kasamaan at mabalisa, kahit na hindi sila “high”.



Pangmatagalang Mga Epekto:

Karagdagan sa mga epektong nabanggit na, ang cocaine ay maaaring magdulot ng pagiging iritable, kaguluhan sa pakiramdam, pagkabalisa, paranoia at mga guniguni sa pandinig. Nagkakaroon ng hindi na pagtalab ng droga kaya’t mas mas marami ang kinakailangan para makalikha ng parehong “high.”

Ang paghupa ng epekto ng droga ay nagdudulot ng napakatinding kalungkutan, na nagiging mas malalim at mas malalim pagkatapos ng bawat paggamit. Nagiging napakalala nito na gagawin ng isang tao ang kahit ano para lamang makuha ang droga—pati na pumatay ng tao. At kapag hindi siya makakuha ng cocaine, maaaring maging napakatindi ng kalungkutan na maaari nitong itulak ang adik na magpakamatay.

  1. 1. methamphetamine: isang pampasigla sa central nervous system (pangunahing sistema ng nerbiyos) na nakalululong nang matindi.

MGA SIKAT NA TAWAG


CRACK COCAINE 24-7 Apple jacks Badrock Ball Base Beat Candy Chemical Cloud Cookies Crack Crumbs Crunch & munch Devil drug Dice Electric kool-aid Fat bags French fries Glo Gravel Grit Hail Hard ball Hard rock Hotcakes Ice cube Jelly beans Kryptonite Nuggets Paste Piece Prime time Product Raw Rock(s) Rock star Rox/Roxanne Scrabble Sleet Snow coke Sugar block Topo (Spanish) Tornado Troop

MGA SIKAT NA TAWAG


COCAINE Aunt Nora Bernice Binge Blow C Charlie Coke Dust Flake Mojo Nose candy Paradise Sneeze Sniff Snow Toot White