PAG-ABUSO SA INIRERESETANG DROGA: ISANG SERYOSONG PROBLEMA

Photo credit: Stockexpert
Photo credit: Stockexpert

Ang panlibangang paggamit ng inireresetang mga droga ay isang malalang problema sa mga kabataan at mga nakababatang mayor-de-edad. Ipinapakita ng mga pambansang pag-aaral na ang isang kabataan ay mas malamang na umabuso ng inireresetang gamot kaysa sa isang ilegal na drogang nakukuha sa lansangan.

Iniisip ng maraming kabataang ang inireresetang mga droga ay mas ligtas dahil inireseta ito ng isang doktor. Ngunit ang paggamit sa mga ito para sa hindi medikal na dahilan para maging bangag o para “gamutin ang sarili” ay maaaring maging-kasing mapanganib at nakaaadik tulad ng paggamit sa ilegal na drogang nakukuha sa lansangan.

Mayroong napakatitinding panganib na pangkalusugan sa paggamit ng inireresetang mga droga. Ito ang dahilan kung bakit ang mga ito ay ginagamit lamang sa pangangalaga ng isang doktor. At kahit ganoon pa man, ang mga ito ay kailangang bantayang mabuti para maiwasan ang adiksyon at ibang
mga problema.

Maraming pildoras ang pare-pareho ang hitsura. Napakamapanganib na uminom ng anumang pildoras na hindi ka tiyak o hindi inireseta para sa iyo. Maaari ring magkaroon ng magkakaibang reaksiyon sa mga droga ang mga tao dahil sa mga pagkakaiba sa kimika ng katawan ng bawat tao. Ang isang drogang mabuti para sa isang tao ay maaaring napakamapanganib, at maaaring nakamamatay pa, para sa ibang tao.

Ang inireresetang mga droga ay ligtas lamang para sa mga indibidwal na tunay na mayroong
mga reseta para sa mga ito at wala nang iba.