PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA
Sa mga Pederal na hukuman sa Estados Unidos noong 2007, 5,477 indibidwal ang natagpuang may-sala sa mga krimeng may kinalaman sa crack cocaine. Higit pa sa 95% ng mga lumabag na ito ay nadawit sa pagtatrapiko ng crack cocaine.
Iba ang sitwasyon sa Europa. Inuulat ng European Monitoring Centre on Drugs and Drug Addiction (Europeong Sentro ng Pagmamatyag sa Mga Droga at Pagkalulong sa Droga) na ang pag-abuso sa crack cocaine ay karaniwang limitado sa minoridad na mga komunidad sa malalaking siyudad na may matataas na antas ng kawalan ng trabaho at hindi magagandang kondisyon ng pamumuhay. Noong 2006, 20 bansa mula sa Europa ang nag-ulat na ang mga umaabuso ng crack cocaine ay kumakatawan lamang sa 2% ng lahat ng mga gumagamit ng droga na pumapasok sa pagpapagamot para sa pag-abuso ng droga, at karamihan sa mga ito ay iniulat ng Inglatera.
Ipinakita ng US National Survey on Drug Use and Health (Pambansang Sarbey sa Paggamit ng Droga at Kalusugan ng Estados Unidos) noong 2007 na 8.6 milyong Amerikanong edad 12 at matanda pa ay naiulat na gumagamit ng crack. Sa mga 18 hanggang 25 taong gulang, 6.9% ng mga sinarbey ay nagsabing gumamit sila ng cocaine (kabilang na ang crack) sa loob ng nakaraang taon. Natuklasan ng sarbey ng Pamahalaan ng Estados Unidos na ang Monitoring the Future (Pagmamatyag sa Hinaharap) noong 2007 na sa mga estudyante ng mataas na paaralan, 3.2% ng mga nasa ikalabindalawang baitang ay gumamit ng crack cocaine sa isang punto sa kanilang mga buhay.
Sa Estados Unidos, ang crack cocaine ang pangunahing substansyang inaabuso sa 178,475 na tinanggap sa paggamutan noong 2006. Kumakatawan ito sa 71% ng lahat ng pangunahing pagtanggap sa pagamutan para sa cocaine sa taong iyon.
“Makasariling droga ito, itong crack na ito. Sinasakop nito ang buong buhay mo. Mabilis na kumakapit ang crack. Sandali lang ito. Napakatindi ng masidhing pagnanais na nililikha nito. At ginagamit mo ito nang mas madalas dahil sandali lamang ang itinatagal ng high.” — Peter