ANO ANG MGA PANGANIB NG LSD?

Ang mga epekto ng LSD ay hindi mahulaan. Depende ang mga ito sa dami ng nagamit, sa ugali at personalidad ng tao, at ang mga kapaligiran kung saan ginamit ang droga. Parang pagtatapon ng dais—isang napakabilis at magulong high o masama’t paranoid1 na napakababang pakiramdam.

Kadalasan, ang unang mga epekto ng LSD ay nararanasan 30 hanggang 90 minuto pagkatapos gamitin ang droga. Kadalasang nagiging dilat ang mga balintataw. Ang temperatura ng katawan ay maaaring tumaas o bumaba, habang ang presyon ng dugo at ang tibok ng puso ay bumibilis o bumabagal. Ang pagpapawis o mga panginginig ay karaniwan.

Ang mga gumagamit ng LSD ay kadalasang nakararanas ng pagkawala ng gana sa pagkain, hindi makatulog, tuyot na bunganga at mga panginginig. Ang mga biswal na pagbabago ay isa sa
mga karaniwang epekto—ang gumagamit ay maaaring mapako ang atensiyon sa katindihan ng ilang
mga kulay.

Ang napakalalaking pagbabago sa ugali, anuman mula sa isang nakatulalang “kasiyahan” hanggang sa napakatinding sindak, ay nararanasan rin. Ang pinakamalalang bahagi ay na hindi masabi ng gumagamit ng LSD kung aling
mga pakiramdam ang nalilikha ng droga at kung aling bahagi ang realidad.

Ang ilang gumagamit ng LSD ay nakararanas ng matinding kasiyahang napagkakamalan nilang “enlightenment” o pagliwanag ng kamalayan.

Hindi lamang sila humihiwalay mula sa karaniwang mga gawain sa buhay nila, ngunit nararamdaman din nila ang udyok na gumamit ng mas marami pa ng droga para maranasan muli ang parehong pakiramdam. Ang iba ay maaaring makaranas ng matindi’t nakatatakot na mga pangitain at
mga pakiramdam, takot na mawalan ng kontrol, takot sa pagkabaliw at mga pakiramdam ng kamatayan at mga pakiramdam ng kawalan ng pag-asa habang gumagamit ng LSD. Sa oras na nagsimula na ito, madalas na wala nang pagtigil sa isang “bad trip,” na maaaring magtagal ng 12 oras. Sa katunayan, ang ilang tao ay kailanman hindi na nakababawi mula sa psychosis na dulot ng acid.

Ginamit sa sapat na malaking dosis, ang LSD ay nakalilikha ng mga delusyon at biswal na mga guni-guni. Ang diwa ng tao sa oras at sa kanyang sarili ay nagbabago. Ang mga laki at mga hugis ng
mga bagay ay nagugulo, pati na rin mga paggalaw, mga kulay at mga tunog. Maging ang pandama ng isang tao at ang normal na mga pakiramdam ng katawan ay nagiging kakaiba at kakatuwa. Ang
mga pakiramdam ay para bang “nagsasalamuha,” nagbibigay sa gumagamit ng pakiramdam ng nakakarinig ng mga kulay at nakakikita ng mga tunog. Ang mga pagbabagong ito ay puwedeng maging nakatatakot at maaaring magdulot ng sindak.

Ang kakayahang gumawa ng makatwirang mga pagpapasya at makakita ng karaniwang mga panganib ay humihina. Ang isang gumagamit ng LSD ay maaaring magsubok na lumabas sa isang bintana para “makita nang mas maayos” ang lupa. Maaari niyang isiping masayang pagmasdan ang paglubog ng araw, masayang hindi namamalayan na nakatayo siya sa gitna ng isang matao’t matrapik na tawiran.

Maraming gumagamit ng LSD ang nakararanas ng mga flashback, o pagbalik ng LSD trip, madalas na walang anu-anuman, matagal pagkatapos niyang gumamit ng LSD.

Ang mga bad trip at mga flashback ay mga bahagi lamang ng mga panganib ng paggamit ng LSD. Ang mga gumagamit ng LSD ay maaaring magpakita ng matagalang kabaliwan o talagang napakatinding kalungkutan.

Dahil naiipon ang LSD sa katawan, kapag nagtagal ay hindi na tumatalab ang droga sa tao. Sa ibang salita, ang ilang umuulit sa paggamit ay maaaring gumamit nito nang parami at parami para maging “high.” Pinararami rin nito ang pisikal na mga epekto at pati na rin ang panganib ng isang bad trip na maaaring magdulot ng psychosis.

“Sa 13 taong gulang ay unang beses akong uminom at hindi nagtagal ay naipakilala ako sa marijuana. Pagkatapos ay mabilis na napunta sa aking mga kamay ang LSD at naadik ako, kinakain ito na parang candy.

“Isang gabi, habang nagbi-binge (walang tigil na paggamit) ay nahimatay ako at gumising na puno ng dugo sa mukha at sumusuka. Milagrong nagising ko ang sarili ko at nalinis ang sarili ko. Pumunta ako sa kotse, nanginginig, at nagmaneho papunta sa bahay ng mga magulang ko. Tinabihan ko sa kama ang nanay ko at umiyak ako.

“Sa edad na 21, pumasok ako sa una kong rehab.” —Donna
  1. 1.paranoid: mapagduda, walang tiwala o takot sa ibang tao